Default Thumbnail

Hugpong Para kay Sara humataw sa Pangasinan

September 26, 2021 People's Tonight 315 views

Binalonan, Pangasinan — Muling umarangkada ang Hugpong Para Kay Sara (HPS) o grupong nananawagan para tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Panguluhan nang manumpa ang mga kilalang politiko ng Pangasinan bilang kasapi ng grupo sa isang oath-taking na isiginawa sa WCC Aeronautical and Technological College.

Sa isang show of force na naglalayong kumbinsihin ang reluctant presidential frontrunner na magbago ng isip, nagpahayag ng suporta ang lokal na HPS chapter mula sa 44 na munisipalidad at apat na siyudad sa Pangasinan para maipagpatuloy ni Mayor Sara ang mga matagumpay na programa ni Pangulong Rodrigo “Rody Duterte at maging ang sarili nitong programa.

Naunang nagdeklara si Mayor Sara na hindi na siya tatakbo sa Panguluhan matapos tanggapin ng kanyang ama ang alok na tumakbo itong bise-presidente.

Sinabi ni Mayor Sara na mayroon silang kasunduan na isang Duterte lamang ang tatakbo sa nasyunal na halalan.

SUPORTA LUMALAKAS

Pinangunahan ang mass oath-taking ni newly-inducted HPS Pangasinan chapter officials at Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao, president; Binalonan mayor Ramon Guico, Jr., VP for finance; Vici Ventanilla, VP for operations; Von Mark Mendoza, VP for external affairs; at Darwina Sampang, secretary at spokesperson.

Pinangalanan naman bilang chapter’s board of advisors sina 5th District Rep. Ramon Guico III, Pangasinan vice mayor Mark Lambino; dating Alaminos City mayor Arthur Celeste; dating Rep. Mark Cojuangco; at Deputy Speaker Conrad Estrella III.

Sinabi ni HPS national chairman at dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario, umaasang tatakbo si Mayor Sara sa Panguluhan, na “once she sees the growing groundswell of support for her leadership happening all over the country.”

“With her independent mind, we at the HPS feel the country gets the benefit of considering the best candidate for the job, and that is the daughter of the President,” ani del Rosario.

PRINSIPYADONG KANDIDATO

Pinuri naman ni Guico, tatakbong gobernador ng Pangasinan, ang mahusay na liderato ni Mayor Sara.

“She has consistently displayed good governance, an inclination towards infrastructure development which would create more jobs and a stronger economy,” ani Guico.

Sa kanyang parte, kinilala naman Quiambao ang prinsipyadong liderato ni Mayor Sara pagdating sa malalaking desisyon para sa kapakinabangan ng kanyang constituents.

“Mayor Sara has improved Davao City immensely under her watch. We pray that she will still change her mind about not running so she can continue the movement for real and genuine change started by her father,” ani Quiambao.

Sa kabila ng paninindigang ayaw nitong tumakbo, patuloy na nangunguna si Mayor Sara sa presidential surveys.

Sa dalawang non-commissioned presidential polls na isinagawa nitong nakalipas na Hulyo at Agosto, nakakuha si Mayor Sara ng parehong 28 percent sa Pulse Asia at the OCTA Research Group.

AUTHOR PROFILE