Dongyan

House tour, hirit ng netizens kina Dingdong at Marian

November 10, 2022 Vinia Vivar 646 views

ZiaDantes

MUKHANG nakalipat na ang GMA Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang dream house matapos ang ilang buwan ng construction.

Sa kanya-kanyang Instagram account kahapon ay nag-post ang mag-asawa ng napakagandang crucifix na nakakabit sa dingding.

“Home,” ang caption ni Dong sa IG post habang si Marian naman ay “Home sweet home” ang inilagay sa kaparehong litrato.

Siyempre, maraming kaibigan at fans ng showbiz royalty ang bumati sa IG, kabilang na sina Jackie Lou Blanco, Gabby Eigenmann, Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm at marami pang iba.

Ngayon pa lang, house tour na ang hiling ng netizens sa DongYan dahil excited na silang makita ang kabuuan ng Dantes lovenest.

May isang litrato ring ipinost sa socmed si Yan kung saan makikita si Zia na ini-enjoy ang kanyang pink room.

Tamang-tama ang lipat nila in time para sa Pasko.

CARLA: YOU CAN ONLY DEPEND ON YOURSELF

SA lahat ng kanyang pinagdaanan nitong nakaraang taon, ayon kay Carla Abellana, isa sa mga importanteng natutunan niya ay may mga bagay talaga na hindi mo alam na pwedeng mangyari.

“Ang pinakaimportante, itong past year talaga, we will never know kung anong mangyayari,” pahayag ni Carla sa panayam sa kanya ni Luis Manzano sa vlog nito.

“We may make plans or you know, we see everything, ganyan, ‘andito tayo sa mundo, tayo nagpaplano, nag-aasikaso lahat. But sometimes life just hits you na parang hindi mo talaga alam what’s going to happen. ‘Yun bang what you have is just today,” patuloy niya.

“No matter how everything is organized or laid out, there are times na talagang unpredictable ang buhay, I guess. ‘Yun lang,” dagdag niya.

Aminado siya na what she’s been through was the low point in her life.

Hindi man nila direktang napag-usapan, alam ng lahat na early this year ay ginulat nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez ang lahat nang bigla na lang mapabalita ang kanilang hiwalayan.

Sabi pa ni Carla, isa pang natutunan niya ay may pagkakataon talaga na sarili mo lang ang dapat mong asahan.

“There are sometimes na talagang you have only yourself, parang ganu’n. You have only yourself to help you. I’m not saying naman na lahat tayo, we’re alone or anything. But ‘yun bang there are times when you can only depend on yourself or ‘yung talagang sarili mo ang kailangan ding tutulong din sa ‘yo,” pahayag ni Carla.

AUTHOR PROFILE