Default Thumbnail

Higit 25K ‘Malasakit Rice’ bags, ipinamahagi sa San Antonio

June 7, 2023 Steve A. Gosuico 192 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Nasa 25,340 sako ng “Malasakit Rice” ang naihatid ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija para sa libreng pamamahagi sa lahat ng 16 na barangay sa bayang ito.

Ang Municipal General Services Office (MGSO) na namamahala sa libreng lokal na pamamahagi dito ay nagsabi na sa 25,340 na mga bag – ay nasa 16,977 bags sa ngayon ang naipamahagi na sa 14 sa kabuuang 16 na barangay ng bayan sa tatlong araw na caravan na ginanap noong Mayo 26, Mayo 29, at Hunyo 2.

Ang bahay-bahay na pamamahagi ng bigas ay pinangunahan nina Gov. Aurelio M. Umali, Vice Gov. Emmanuel Antonio M. Umali, Mayor Arvin C. Salonga, Vice Mayor Julie E. Maxwell, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang ang mga opisyales ng barangay.

Kasama rin nila sa nasabing aktibidad sina Municipal Budget Officer Armando Cruz, Municipal Engineer Leonor Balcos, at Municipal Planning and Development Officer Augusto Ortiz.

Sinabi ng MGSO Maria Roma Vida S. David na ang 14 na barangay na binisita na ng distribution teams at nabigyan ng libreng rice allocation sa tatlong araw na caravan ay ang mga barangay San Francisco na may 3,435 na pamilya, Papaya (1,970 households), Sta. Barbara (1,777), San Mariano (1,757), Maugat (1,254), Julo (1,219), Buliran (974), Luyos (855), Tikiw (752), Lawang-Kupang (720), Panabingan (676), Camajuan ( 663), Sta. Cruz (467) at Poblacion (458), para sa kabuuhang 16,977 bags ng tig-25 kilos na may halagang P1,000 bawat isa.

Kinilala ni David ang dalawang barangay ng Sto. Cristo at San Jose na mayroong alokasyon na 2,617 bags at 217, ayon sa pagkakasunod, bilang mga natitirang lugar na hindi pa binibisita ng distribution team ni Umali.

Sa pamamahagi ng bigas, pinasalamatan ni Salonga si Gov. Umali at ang bise gobernador sa kanilang todo-todo na suporta at tulong at sinabing ang programang ito ng Kapitolyo na nagsimula noong 2019 ay tiyak na malaking tulong sa kanyang mga nasasakupan.

Sa kabuuhan, ang 25,340 bags ng bigas na naihatid ng PGNE sa bayang ito ay aabot sa halagang P25,340,000.

AUTHOR PROFILE