Default Thumbnail

High-grade marijuana , nasabat sa Clark

December 3, 2023 Vic Reyes 104 views

Vic ReyesHANGGANG ngayon, problema pa rin sa iba’t-ibang parte ng mundo, kasama na ang Pilipinas, ang proliferation ng mga pekeng gamot.

Sakit sa ulo ng mga otoridad at mismong mamamayan, lalo na ang mga mahihirap sa mga liblib na pook, ang counterfeit medicines na ito.

Sa totoo lang, kaysa gumaling ang mga may sakit ay baka lalo pa silang mapahamak dahil peke nga ang mga iniinom nilang gamot.

Kaya tama lang na nagkaroon ng isang pagpupulong tungkol sa counterfeit medicines na ginanap sa Muntinlupa City noong November 25.

Ang pagtitipon, na dinaluhan ng mga lider ng international at national agencies, ay ginanap sa Vivere Hotel sa nasabing syudad.

Ang mga resource speakers ay kinabibilangan nina WHO Representative to the Philippines Dr. Rui Paulo de Jesus, FDA Dir Gen. Dr. Samuel Zacate, House Health Committee Chairman Rep. Ciriaco B. Gato Jr. at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Dahil hindi nakadalo si Commissioner Rubio, si CIIS Director Verne Y. Enciso ang nag-deliver ng kanyang speech.

Sinabi ni Commissioner Rubio na “at our borders, we stand guard against the illicit entry of goods into the Philippines.”

Dagdag niya: “And as we continue to uphold our role, we will strengthen our institution’s efforts… to curb all attempts to smuggle hazardous counterfeit medicines into the country.”

Tama si BOC chief, pero dapat maging vigilant rin ang publiko at bumili lang ng gamot sa mga “trusted” na drugstores.

****

Isa na namang parcel na naglalaman ng illgal na droga ang kinumpiska ng mga otoridad sa Port of Clark sa Pampanga.

Galing ng California, Estados Unidos, ang parcel, na deklaradong “replacement filter,” ay high-grade marijuana pala ang laman.

Ayon sa Port of Clark, na pinamumunuan ni District Collector Erastus Sandino B. Austria, ang “kush” ay tumitimbang ng 488 grams at nagkakahalaga ng mahigit na P805,000. Ang nasabing parcel ay idinaan sa x-ray scanning at K-9 sniffing.

Dahil ang scanning at sniffing ay parehong “indicated possible presence of prohibited drugs,” binuksan ito ng mga taga-Port of Clark.

At dito nakita ang nakatagong “dried leaves and fruiting tops.” Kumuha sila ng samples na pinadala sa PDEA for chemical laboratory analysis.

Kagaya ng hinala, nakumpirmang high-grade marijuana ang mga dahon, isang illegal drug sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165.

Kabilinbilinan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa kanyang mga tauhan na lalong paigtingin ang kampanya laban sa ismagling.

Lalo na ang pagpasok sa bansa ng hazardous products, kagaya ng marijuana, shabu, cocaine at ecstasy, at produktong agrikultura.

Congrats sa inyo!

****

Sa isang Sabado, Disyembre 16, ay simula na ang tinatawag ng mga Katoliko na “Simbang Gabi.”

Kaya dapat maging alerto ang mga pulis at opisyal ng barangay dahil inaasahang magiging busy na naman ang mga magnanakaw.

Abala na naman ang mga miyembro ng “Akyat Bahay” dahil alam nilang nasa simbahan ang maraming tao para dumalo sa “Simbang Gabi.”

Madalas ay mga anak lang ang naiiwan sa mga bahay sa siyam na araw na novena bago ang araw ng Kapaskuhan sa December 25,

Dapat mag-ronda ang mga barangay tanod o CVO (civilian volunteer organization) para bantayan ang kani-kanilang komunidad.

Sa hirap ng buhay ngayon, baka mas lalong lumala ang nakawan.

Huwag naman sana!

(Para sa inyong komento at suhestiyion, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE