Heaven

Heaven, nagpa-tattoo ng puso

June 22, 2023 Ian F. Fariñas 257 views

SUSPETSA ng netizens, in love na ngang talaga si Heaven Peralejo matapos ibida ang pagpapa-tattoo niya ng maliit na puso sa braso.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina Heaven at Marco Gallo, partners sa trending series na The Rain in España na napapanood sa Viva One.

Aminado naman sila na mula nang magsama sa PBB, eh, espesyal na sila sa bawat isa.

Pero, wala pa ring kumpirmasyon mula sa MarVen tandem tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kaya naman nagkakasya muna ang shippers nila sa mga kilig moment ng dalawa bilang Luna at Kalix o LuKal sa Viva One series na adaptation ng hit Wattpad novel ni Gwy Saludes at idinidirek ni Theodore Boborol.

Anyway, gaya nga ng sabi ni Heaven sa tattoo IG post, kailangan lang sundin kung ano ang itinitibok ng puso kahit pa minsan ay masakit ito.

“Sometimes all you need is a little reminder to follow your own heart, and now I have mine right here with me. Got this new heart tattoo which represents the power we hold within ourselves to chase our dreams and make them a reality. No matter what life throws our way, we have the strength to fulfill our hearts’ desires,” pahayag ng aktres.

AUTHOR PROFILE