Heart

Heart, may malaking proyekto sa Amerika … aktres, interesadong sumali sa Miss U

May 31, 2021 Vinia Vivar 374 views

Sa kanyang Instagram Live recently ay may netizen na nagtanong kay Heart Evangelista kung gusto niya ring sumali sa Miss Universe pageant.

Sagot ni Heart, of course, gusto niya.

“I would love to do something like that, to represent my country on a bigger platform with all these lovely ladies who inspire each other and can inspire the world and all the women watching,” sey ni Heart.

Ang problema nga lang daw, kulang siya sa height.

“But at this point, I really feel that the requirements are just not for me. Meaning, I am 5’2”,” sambit niya.

Pagbibiro pa niya, kung sasali siya, baka umupo na lang siya parati.

“Kung nakaupo lang kami, kasama ko do’n,” nakangiti niyang sabi.

Anyway, nagbigay din ng update si Heart sa kanyang mga gagawin for the next few months at siyempre isa na rito ang kanyang bagong teleserye sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.

Aalis din daw siya papuntang New York City bandang Agosto.

“I am actually scheduled to leave for New York City, I think around August, in between my soap tapings. I’m also going to LA (Los Angeles), so I’m very, very excited, a little anxious but excited because of the work,” sey niya.

May shoot daw siyang gagawin doon for a specific brand at sey niya, “It’s going to be something huge that you’ll see on Times Square.”

TAMBALANG PANG-ASAR?

Ngayon pa lang ay mixed reactions na ang mga netizen sa balitang gagawa ng sitcom sina John Lloyd Cruz at Andrea Torres sa GMA-7.

Nahahaluan ito ng kulay dahil nga parang nag-change partners tuloy sina Lloydie at Derek Ramsay.

As we all know ay dating magkarelasyon sina Lloydie at Ellen Adarna, gayundin sina Derek at Andrea sa magkaibang timeline.

Naghiwalay sina Ellen at Lloydie noong 2019 at nagkaroon sila ng isang anak, si Elias.

Sina Derek at Andrea naman ay nag-break last year matapos ang isang taong relasyon.

Ngayon, engaged na sina Derek at Ellen at sobrang in love sa isa’t isa.

Kaya naman ang ideya na pagtambalin sina Andrea at Lloydie ay nahahaluan tuloy ng intriga.

Komento ng isang netizen, “Pang-asar ba to?”

Sabi naman ng isa pa, “Sana sila na din magkatuluyan lolz! Para patas ang laban.”

Suggestion naman ng isa pang netizen, bakit hindi na lang daw gumawa ng movie ang apat.

“Meet the exes ba ito?” tanong naman ng isa pa.

“Bagay! Exciting ’yan,” anang isa.

Well, kung kami ang tatanungin, wala namang masama na magsama sila sa isang project dahil trabaho naman ’yan.

And sa case ni Andrea, pakakakawalan mo ba ang napakagandang oportunidad na makasama mo si John Lloyd?

Sa kaso ni Lloydie, bakit naman niya tatanggihang maging leading lady si Andrea dahil lang sa ex ito ni Derek?

Ang curious kaming malaman ay kung ano ang masasabi rito nina Derek at Ellen.

AUTHOR PROFILE