John Lloyd

Lloydie, Derek, Ellen at Andrea, nangangamoy rigodon

May 31, 2021 People's Tonight 410 views

AndreaEllenderekINTERESADO rin ang GMA Pictures na kunin si John Lloyd Cruz ngayong nagdesisyon nang bumalik sa showbiz ang award-winning actor. Nagkausap na raw ang aktor at ang GMA Pictures president na si Annette Gozon-Valdes.

Umingay ang showbiz sa pagbabalik ni Lloydie sa showbiz.

Naging daan si Willie Revillame upang makumbinse siyang bumalik.

Sa totoo lang, sa show ni Willie na Tutok to Win ang unang public appearance ni JLC sa TV at sa Kapuso Network ’yon.

Magaganap ’yon sa June 6 episode ng programa ni Willie para sa TV special ng isang malaking online shopping site.

Pero pahayag ni Willie sa kanyang show, walang audience sa Araneta Coliseum na venue ng show.

Kaya sinabi niya sa show na huwag nang pumila sa labas ng venue dahil ang staff, crew at kasama sa show lang ang nasa loob ng Araneta.

Anyway, ayon sa mga report, sitcom ang show ni John Lloyd at produced ito ni Willie. Si Direk Bobot Mortiz ang director.

Sa sitcom na to muling babalik sa pag-arte si Willie matapos ang ilang taong hindi pag-arte.

Take note, si Andrea Torres daw ang leading lady ni JLC.

Ay, magsasama ang dalawang exes? Si Ellen Adarna, fiancée ni Derek Ramsay, ay ex-dyowa ni John Lloyd, huh!

Saka pansinin ninyo ang pictures ni Lloydie na naglalabasan sa social media. Kalbo rin siya, huh! Very Derek!

Romansahan ba ang kasunod sa pagsasama nina Lloydie at Andrea sa sitcom?

Wala naman silang dyowa, ’no!

Rigodon ba tawag doon, Ian F? Hahaha!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE