Andres

Halimbawa ni Andres Bonifacio tularan para sa pag-unlad ng bansa—Speaker Romualdez

November 30, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 209 views

HINIMOK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na tularan ang halimbawang ipinakita ng bayaning si Andres Bonifacio upang harapin ang mga hamon ng kasalukuyang panahon.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga nagawa ng naturang bayani ay nagsisilbing inspirasyon ng mga Pilipino upang hindi sumuko sa mga kinakaharap na pagsubok.

“Sa pagdiriwang natin ng Bonifacio Day, ating gunitain ang diwa at sakripisyo ni Gat Andres Bonifacio. Ang kanyang tapang at dedikasyon sa laban para makamit ang kalayaan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon,” ani Speaker Romualdez.

Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na sundan ang mga nagawa ni Bonifacio para sa bansa.

“Nawa’y maging gabay natin ang kanyang halimbawa sa pagtahak sa landas ng pagkakaisa, katatagan, at pag-asa para sa mas maunlad at mapayapang Pilipinas,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Mabuhay ang diwa ni Bonifacio! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

AUTHOR PROFILE