Default Thumbnail

“Gulo” sa hanay ng mga inhinyero

October 10, 2022 Paul M. Gutierrez 1559 views

PaulMAYROON umanong “gulo” ngayon ‘dyan sa Professional Regulation Commission, partikular na sa ‘Board of Mechanical Engineers’ (PRC-BME).

Ayon sa mga miron at sa natanggap nating mga dokumento “etsapuwera” bigla sa akreditasyon ng BME ang “orig” at “antigo” na ‘Philippine Society of Mechanical Enginners (70 years existence) at ang napaboran ay ang “bagong sibol” na ‘Pambansang Samahan ng mga Inhinyerong Mekanikal (PSIM) na noon lang isang taon itinatag, hehehe, ayy, huhuhu!

Marami ang nagtataka dito, mga kabayan, dahil umano’y “sinasadyang ipitin” ng PRC-BME ang ‘renewal’ ng accreditation ng PSME sapul pa noong 2018—kahit nakumpleto naman ang lahat ng hinihinging rekisitos ng PRC.

Hmm. Hindi naman kaya dahil mayroon umanong ‘axe to grind’ ang mga bumubuo nitong BME laban sa PSME—kung saan dati rin silang mga miyembro at opisyal?

Ayon sa ilang impormante, itong ‘3 Muskeeters’ ng BME ay bahagi ng isang palaging “talunan” na paksyon sa loob ng PSME.

Patunay anila, “ibinasura” ng Manila Regional Trial Court ang panalo dati ni PSME national president, aguy!

Naku ha. Hindi kaya dahil “sila” na ang mga “bosing” ngayon sa BME, ginagamit nila ang kanilang poder upang “resbakan” ang PSME?

Sa kasalukuyan pala, may nakasampa nang mga reklamo sa Ombudsman laban sa ‘3 Musketeers’ ang PSME, katulad ng ‘grave abuse of authority,’ ‘gross neglect of duty’ at ‘discrimination’ dahil nga sa dinaranas ngayong “pasakit” ng PSME.

And yes, OMB Samuel Martinez, noon pa pong Hunyo 5, 2022, nakasampa sa tanggapan mo ang reklamo at makabubuti sa lahat ng ating mechanical engineers, kung maaksyunan mo na ito, hane?

Ang reklamo pa sa atin, “dati” ay “walang problema” sa akreditasyon ang PSME bilang ‘AIPO’ (Accredited Integrated Professional Organization) at ‘CPD’ (Continuing Professional Development) provider— nagbago lang ang lahat ng mapuwesto itong grupo, ganern.

Hmm. Wala kayang balak si PRC chairman Jose Cueto Jr at Commissioner Erwin Enad na “silipin” at “busisiin” ang kontrobersiyang ito?

Bilang ‘regulator’ ng ating mga propesyunal, hindi kasi magandang tingnan ang nangyayaring ito.

“Nakakahiya” ang buong komisyon dahil hindi ‘professional’ bagkus, mistulang mga “trapo” ang impresyon na nakikita d’yan sa BME.

Oops! Libre at hihintayin natin ang paliwanag ng grupo ng BME, kung gusto nilang magpaliwanag, hane?

Abangan!

AUTHOR PROFILE