China1 File photo ng Chinese Coast Guard vessel. Source:Joint Task Force West/Western Command

Gringo: Magkaisa vs mananakop ng WPS

March 15, 2024 PS Jun M. Sarmiento 354 views

SA gitna ng umiigting na batikusan sa politika, sinabi ng dating Sen. na si Gringo Honasan na hindi ang kapwa Pilipino ang dapat maglaban laban kundi ang mga banyagang nagpipilit angkinin ang bagay na hindi naman talaga sa kanila.

Ayon kay Honasan, ang tensyon na ginagawa ng China dahil sa walang pahintulot nitong pagpasok at pagkuha ng ating territoryo sa West Philippine Sea (WPS), ang dapat inaatupag ng mga lider at taumbayan dahil sa posibleng pagpasok na lamang ng mga ito na dapat ay may sapat tayong kahandaan.

“Citizens’ mobilization for readiness and preparedness is crucial. We should be prepared to act in case of war and ready to rally our forces for any eventuality.” ani Honasan.

Si Honasan na dating kilalang sundalo bago naging senador ay nananawagan upang hikayatin ang mga Pilipino na tumayo sa ating kasarinlan at tindigan ang anuman pinakikitang pang aabuso ng Tsina sa West Philippine na nagdulot ng pananakit sa ilang sundalo nagpapatroly sa WPS sa ilalim ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Sa isang video interview, iginiit ni Honasan ang halaga ng tamang mobilisasyon sa taumbayan kung saan ay ipinaliwanag niya na hindi dapat isaisip ng ating pamahalaan na hihinto at bibigay na ang Tsina sa ginagawang pananakop nito bagkus aniya ay dapat natin ihanda ang mamamayan sa anumang posibleng mangyari.

Inilahad ni Honasan na base na rin sa kasaysayan mula pa ng World War II kung saan ay nagsagupaan ang US laban sa Japan dito sa Asia, naiwan ang mga Pilipino na lumalaban para sa sarili at sa inang bayan hanggang muling bumalik sa Gen. Douglas Mc Arthur sa kanyang pamosong “I shall return.”

Ani pa ni Sen. Honasan dapat aniyang wag tayo sumandal at umasa upang hindi tayo masaktan sa bandang huli dahil tayo rin talaga ang tatayo sa anumang kaganapan.

“But when faced with a formidable threat, we unite. We mobilize. Mobilization is what we should focus on,” giit ni Honasan.

Sa nakaraang survey na ginawa ng OCTA Research sinasabing 77% na mayorya Pilipino ang handang tumindig at lumaban sakaling ipitin at samantalahin tayo ng mga dayuhan na nais manakop sa ating bayan.

“And no one is exempt there … What was stated there is commendable. Every warm body – man, woman, or child – will stand their ground,” ani Honasan na nagsabing walang lalaki, walang babae, at walang bata o matanda sa pagtindig para sa kapakanan ng Inang bayang Pilipinas.