Arances

Green Groups umaasang tutuparin ng SMC kanselasyon sa ‘coal projects’

July 13, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 600 views

UMAASA ang Power for People Coalition (P4P) na tutuparin ng San Miguel Corporation (SMC) ang anunsiyo na gumagawa na sila ng unang hakbang palayo sa karbon at balak na makipagsapalaran sa ‘greener energy’.

Sa inilabas na pahayag nitong nakaraang linggo, sinabi ni SMC president Ramon Ang na ang tatlong coal projects sa Cebu at Quezon ay kinansela na dahil ang kanilang kumpanya ay plano nang ipagpatupad na ihinto na ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad ng karbon.

 

Ang hindi pagpapatuloy ng SMC coal projects sa Sariaya at Pagbilao sa Quezon at Malabuyoc sa Cebu ay una nang kinumpirma ng Department of Energy (DOE) sa liham na natanggap ng mga miyembro ng P4P.

Base sa monitoring ng DOE at SMC disclosures nitong nakaraang taon, ang limang coal projects na pinangungunahan ng SMC na maipapatupad pa rin ay ang 300 MW coal plant sa San Carlos, Negros Occidental; 300 MW coal expansion project sa Malita, Davao; Central Luzon Premiere Power Corporation’s 4×355 MW project at Lumiere Energy Technologies Inc.’s 2×355 project, kapawa nasa Pagbilao, at ang 328 MW coal plant sa Davao del Sur.

Gayunman, kinukumpirma pa rin umano ng P4P DOE at sa may kaugnayan ng mga tanggapan ang status ng mga nasabing proyekto, kung saa ang ilan dito ay naalis na dahil sa hindi pagsumite ng kinakailangang mga pag-update o dahil sa nagpapatuloy na pagsusuri.

“If SMC wants to grasp at the renewable energy message, it just needs to cancel all its coal projects and not have to come up with torturous statements to the media,” hamon ni Gerry Arances, P4P Convenor.

Mula ng inanunsiyo ng DOE ang kanilang coal moratorium nitong October, umaabot sa 3,100 MW o limang proyekto ang naka-istante, at may halos 12,000 MW ng ‘proposed coal capacity’ ang hindi pa rin natukoy.

AUTHOR PROFILE