Showtime

Gozon sa contract signing ng ‘It’s Showtime’ sa GTV: TV war is finally over

June 28, 2023 Vinia Vivar 307 views

Naging madamdamin ang contract signing ng GMA-7 at ABS-CBN’s It’s Showtime ngayong Wednesday na ginanap sa Seda Vertis North, Quezon City.

Ang contract signing ay para sa pagsasaere ng “It’s Showtime” sa GTV ng GMA-7 starting July 1.

Base sa napanood naming live streaming ng ABS-CBN sa YouTube, present sa nasabing event ang mga boss at executives ng dalawang media giants.

In full force ring dumating ang It’s Showtime family sa pangunguna ng main host na si Vice Ganda.

From the Kapuso network side ay naroroon sina GMA Network chairman and CEO Felipe Gozon, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, President and COO Jimmy Duavit Jr., and Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong.

Mula naman sa Kapamilya side ay dumalo sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes and Officer-in-Charge of Finance Group Paul Piedad.

Sa mga host, aside from Vice ay naroroon sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez pati na ang “It’s Showtime’s” director na si Jon Moll.

May ‘goosebumps effect” ang mga kaganapan sa event hosted by Robi Domingo and Iya Villania kabilang na nga ‘yung senaryo na magkakahilera sa isang presidential table ang mga boss ng dalawang media giants, gayundin ang isa-isang pagpasok ng mga host habang tumutugtog ang “It’s Showtime” theme song.

After the contract signing ay naging emosyonal ang mga host at biro ni Iya kay Anne, “Anne, kaya pa?”

Ang ganda ng mga binitiwang salita ni Atty. Gozon sa kanyang speech.

“’Yung mga nakaraan naming mga kontrata na pinirmahan ng ABS, kamukha nu’ng co-production ng ‘Unbreak My Heart,’ ‘yung joint venture natin sa pag-produce ng movies, ‘yung binili naming maraming magagandang pelikula ng ABS at ‘yung kontrata natin sa iWant TFC para ipalabas ‘yung mga programa ng international channels ng GMA, lahat ng ‘yan, eh, siguro, pwede na nating sabihin ngayon, without any fear of contradiction – na ‘yung kumpetisyon o ‘yung tinatawag ng mga media practitioner na ‘TV war’ — is finally over,” ang pahayag ni Atty. Gozon.

Nahilingan ding magsalita ang mga host at isa-isa silang nagpasalamat at nagpugay sa mga TV exec na naroroon.

Pahayag ni Vice, “ito ay istorya ng tagumpay para sa akin, para sa mga kasamahan ko, para sa mga bosses natin at lalo’t higit, para sa madlang people na nanonood at sumubaybay ng mga programa natin.”

AUTHOR PROFILE