Hontiveros

Gentleman’s agreement walang dangal — Risa

April 18, 2024 PS Jun M. Sarmiento 70 views

GENTLEMAN’S agreement?”

Ito ang tanong ni Senadora Risa Hontiveros kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay sinabi niyang dapat lamang busisiin ang dating Presdidente s kung anong kasunduan ang pinasok nito kay Chinese President Xi JinPing.

“Kasi napaka-traydor po ng pasimuno niyang diumanong gentleman’s agreement na yan. At kung totoo talaga yung kasunduan, mukhang isinuko nga ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas,” ani Hontiveros kung saan ay iginiit niyang hindi normal na makipagkasundo ka bilang Pangulo sa China na umaagaw sa ating teritoryo sa West Phil Sea.

Si Hontiveros na kamakailan lamang ay nagpanukala ng Senate Resolution No. 982, ay humihiling na maimbestigahan ng Senado ang pinasok na gentlemen’s agreement nuong panahon ni Duterte sa gobyerno ng Tsina kung saan ay inilahad ng dating Pangulo na diumano ay hindi papayagan sa kanilang pinagkasunduan na isaayos ang nabubulok ng World War II BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan ay ginamit din ang salitang status quo.

“Sa salita ng mismong dating Philippine Navy Flag Officer in Command na si Eduardo Santos, sabi po nila this is ‘an act of treason.’ Ang unang nagbunyag niyan si Atty. Harry Roque, dapat ipaliwanag niya yung mga circumstances ng deal na iyan. Paano ba na-broker yan lalo na at yung implication sa ating pambansang seguridad,” giit ni Hontiveros.

Sa nasabing resolusyon, nakasaad dito na mismong ang National Security Council sa pamamagitan ni Asst. Director General Jonathan Malaya, ay hindi pamilyar sa nasabing kasunduan na ito at walang kaalam alam kung ano ang nakapaloob dito.

“At ang pinakamasahol talaga, itong nakasunduang ito ay lalo lang binigyan ang Beijing ng bala para i-assert yung kanyang walang basehan na mga claims sa ating karagatan. Kaya dyan po sa aking Proposed Senate Resolution No. 982, kinu-quote ko rin po yung National Security Council na nagsalita yung Assistant Director General nito na si Jonathan Malaya na kahit ang NSC po, hindi po nila alam yung ganyang klaseng kasunduan.”

“Parang napaligiran na tayo. Pati pambansang seguridad nating nalagay sa pahamak dahil sa walang dangal na gentlemen’s agreement na yan. China is already all around us– Nandyan sila sa ating telecoms, sa ating national grid, pati sa karagatan. Eh sa ganitong sitwasyon ng kasunduan daw, lalo lang pinalakas ni Duterte ang Tsina sa kasunduan niya na ‘di umano ay pinasukan niya. ” ani ng senadora.

Para kay Hontiveros, mahalagang ipaglaban ang ating karapatan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil ito ay parte ng ating soberenya at karapatan bilang Pilipino.

“It is our duty to fortify the BRP Sierra Madre. Without it on Ayungin , we effectively give way for China to illegally occupty what is ours. If we stop reinforcing the Sierra Madre, we not only lose a crucial, strategic outpost, but also fail to defend our sovereignty,” paliwanag pa niHontiveros.

Nagpahayag din ang senadora ng pangamba sa pagdagsa ng mga estudyanteng mga Tsino sa Cagayan Valley, kung saan ay sinabi nitong isa na naman yugto ito ng notorious na Pastillas scam modus operandi kung saan ay ginagamit ng mga ito ay ang Visas Upon Arrival (VUA) at iba pang proseso sa immigration na hindi madedetalye ang pagpasok ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho bilang mga POGOs sa ating bansa.

“Maghahain ako ng resolusyon tungkol dito. Maliban sa posibleng paglabag sa ating mga proseso sa mga immigration, the Senate should look into the reported presence of Chinese nationals around EDCA sites. This is a national security concern that must be addressed,” pagtitiyak ni Hontiveros.