Titosen

Gastos sa airtime ng proklamasyong Ping-Tito Sen, pahulaan

September 9, 2021 People's Tonight 421 views

ISINABAY sa birthday ni Mama Mary ang proclamation nina Senator Ping Lacson at Senate Speaker Tito Sotto bilang kandidato sa President at Vice President sa elections 2022.

Itinigil ng 30 minutes ang regular programming kahapon sa limang channels ng GMA – GMA, GMA News TV, Heart of Asia at I Heart Movies.

Well presented naman ang videos ng accomplishments nina Lacson at Sotto.

Present din ang kani-kanilang pamilya sa proclamation nila na sa analisa namin ay pre-recorded na.

Siyempre, ang tanong ng nakapanood – magkano ang ibinayad sa airtime sa apat na channels na ito ng GMA?

Your guess is as good as ours!

Sanya‘MANO PO,’ PASOK SA ‘GMA REGAL STUDIO PRESENTS’

LUMAWAK na nang lumawak ang bagong partnership ng Regal Entertainment at GMA Network.

Isasalang na ang bagong collab ng GMA at Regal sa paggawa ng telemovie sa GMA Regal Studio Presents simula sa September 11 sa primeime.

Ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez ang mga bida sa That Thin Line Between.

Kasunod nito ang telemovie na pagbibidahan naman nina Khlail Ramos at Gabbi Garcia; at Sofia Pablo at Allen Ansay.

Matatandaang sampung taon ding tumagal sa GMA ang Regal TV production na Mother Studio Presents at tumagal din ang Regal Shockers.

Sa September 26 ay mapapanood sa Heart of Asia channel amg BL hit series ng Regal na Ben X Jim at naka-line-up na rin ang movie franchise ng Regal blockbuster na Mano Po. Jun Nardo

AUTHOR PROFILE