BFP

Gas station sa QC isinara sa leak

November 20, 2023 Melnie Ragasa-limena 215 views

IPINASARA ang isang gasoline station sa Visayas Avenue, Quezon City noong Lunes dahil sa hinihinalang gas leak.

Inireklamo ng ilang residente ang Power Fill gas station sa kanto ng Lands St. at Visayas Avenue sa Brgy. Vasra kaya rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa report, Linggo pa ng gabi nang magsimulang makaamoy ang mga residente ng gasolina mula sa gas station.

Mas tumindi pa ang amoy noong Lunes, ayon sa report.

Dahil dito, agad na ipinatigil ng BFP ang operasyon ng gasolinahan habang iniimbestigahan ang hinihinalang gas leak.

Inirekomenda na ng BFP na higupin ang laman ng underground fuel tank at magsagawa ng leak test sa gasolinahan.

Sumikip ang daloy ng mga sasakyan papasok ng Visayas Ave., mula sa Elliptical Road dahil isinara rin ang kalsada sa tapat ng gasolinahan.