Sherwin Gatchalian

Dagdag budget sa PSA aprubado ng Senado

November 20, 2023 Camille P. Balagtas 180 views

APRUBADO na ng Senate Committee on Finance ang panukalang dagdag na budget para sa Philippine Statistics Authority (PSA) Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS).

Ilalaan ang dagdag na budget sa mga household-based survey na mangangalap ng mga impormasyon para sa pangangailangan na matugunan ang literacy rate gayundin ng mga tamang datos sa educational skills.

Sa ilalim ng 2024 appropriation para sa FLEMMS, inaprubahan ang P208.97 million na budget o 245.3 porsyento na mas mataas sa nakaraang budget sa kanilang National Expenditure Program (NEP) sa ilalim din ng 2024 General Appropriations Bill.

Nauna rito, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang adjustment na pagtaas ng budget ng FLEMMS upang makatulong ng husto sa PSA.

Inirekomenda ni Sen. Sen. Sherwin Gatchalian ang pag apruba sa budget ng PSA. Si Sen. Gatchalian ang chairperson ng Committee on Basic Education.

“This will help the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) to identify areas where we have high literacy rates so we can launch programs that will improve education outcomes in those places,” ani Gatchalian.

Iminungkahi din ni Gatchalian na magsagawa ang FLEMMS ng mas malalim na pag monitor sa sektor ng edukasyon para mabigyang pansin ang kahalagahan ng pagsasaayos nito lalo’t kinabukasan ng maraming kabataan ang nakataya dito.

Sinuportahan ni National Statistician Dr. Dennis Mapa ng PSA board na gawin itong regular tuwing ikatlong taon.