Liza

FL Liza Marcos hindi tatakbong senador

April 19, 2024 Chona Yu 35 views

TINAWANAN lamang ni First Lady Liza Marcos ang ulat na tatakbo siyang senador sa susunod na eleksyon.

Sa panayam ng mamahayag na si Anthony Taberna, sinabi ni First Lady Liza na walang halong pulitika ang “LAB for all” project.

Sa naturang proyekto, nagbibigay ang Unang Ginang ng libreng medikal na serbisyo sa mga mahihirap na Filipino sa ibat ibang bahagi ng bansa.

“My favorite is, ‘Oh I’m doing Lab for All because I’m going to run for Senate.’ Pati ba naman ‘yan nilagyan ng malisya,” pahayag ni First Lady Liza.

Nagsimula aniya ang programa sa Iloilo City.

Nagtuturo ang Unang Ginang ng kursong abogasiya sa West Visayas State University.

Ayon sa First Lady, malaki ang bakante niyang oras bago magsimula ang klase kung kaya naisipan niyang gumawa ng proyekto.

AUTHOR PROFILE