New Tala Loan Ipinakilala ng Tala ang New Tala Loan, ang pinakabagong evolution sa online lending platform microloan service para sa mga Pilipino. (Top Caption: Left-Right): Luigi Jacinto, Tala Philippines Associate Marketing Manager; Donald Evangelista, Tala Philippines General Manager. (Bottom): Missy Santos, Tala Philippines Marketing Manager.

First in the Philippines: P5 kada araw na bayad-utang mula sa New Tala Loan!

December 21, 2022 People's Tonight 213 views

UTANG ang isa sa pangunahing problema ng maraming Pilipino lalupa’t marami ang walang sapat na pag-unawa sa pormal na credit o loans. Marami rin sa mga Pilipino ang walang access sa mga serbisyo at produkto ng mga pormal na financial institutions. Problema rin ang kawalan ng sapat na kaalaman sa pamahala ng mga utang.

Dahil dito, ang Pilipinas ay naitala bilang “pinaka-stressed” na bansa sa Asia Pacific (APAC) pagdating sa pamamahala ng household finances.

Para tugunan ang problemang ito, may mga produkto at serbisyong inihanda ang Tala, isang global technology company na may layuning magbigay access sa iba’t-ibang financial services, upang tulungan ang mga Pilipino na maisaayos ang kanilang pamamahala ng kanilang mga utang.

Sa customizable loans ng Tala, pwedeng magbayad ang isang borrower ng P5 piso kada araw para sa P1000 na utang. Bukod dito, maaaring piliin ng mga customer na bayaran ang kanilang utang sa pagitan ng 1 hanggang 61 araw.

Ang malinaw at transparent na daily fees ng Tala ay nagbibigay-daan sa mga customer na i-budget at paglaanan ang tamang halaga na kailangan nilang bayaran. Binabawasan rin nito ang posibilidad na sila ay mamroblema sa oras ng bayaran dahil sa “bill shock.” Bukod pa dito ay mas nakakatipid din ang mga borrower sa pamamagitan ng pagbabayad lamang para sa mga araw na kailangan nilang bayaran. Hindi gaya ng ibang lending platforms, ang mga Tala customer ay maaring magbayad bago o pagkatapos ng kanilang original na repayment date.

Ang ganitong set-up ay nagbibigay sa kanila ng sapat na flexibility upang ma-adjust ang kanilang income cycle at makapagtabi ng sapat na buidget para sa kanilang dapat bayaran.

“Ang New Tala Loan ay evolution ng aming microloan services na ginawa para maging mas accessible at mas flexible at para bumagay sa iba’t-ibang lifestyles,” saad ni Tala Country Manager Donald Evangelista. “Ginawa naming mas accessible ang loans para magkaroon ang customers ng peace of mind sa kanilang mga gawain, na nakakatulong para sila ay maging mas productive at mas masaya sa kanilang pamumuhay.”

Ayon pa kay Evangelista, ang Pilipinas ang pinakamalaking market nila sa Asya kaya dito rin nila unang inilunsad ang New Tala Loan.

Kung noon ang pinakamababang bayad para sa isang ₱1,000 Tala loan ay umaabot sa ₱100 para sa minimum na 20 days. Sa New Tala Loan, ang mga customer ay maaaring pumili ng magaang sa bulsang ₱5 bawat araw. Maari ring bayaran nila agad-agad ang loan isang araw pa lang matapos nilang makuha ito para lalo pang mapaliit ang kanilang repayment rate.

Ang dagdag na flexibility at money-saving-benefits na binibigay ng “pay-per-use” option ay mas kapansin-pansin sa mga loans na mas mataas ang halaga. Halimbawa, ang P15,000 na loan ay magkakaroon lamang ng repayment fee n a P75 kung mabayaran pagkalipas ng 1 araw. Samantalang noon ay umaabot sa P1,500 ang repayment fee para sa parehong halaga dahil ang pinakamaagang schedule para magbayad ay pagkaraan pa ng 20 days.

Gaya ng dati, ang Tala ay nagbibigay ng full transparency sa halaga ng loan at sa loan terms. Ang mga customer ay maaaring mag-loan o umutang ng may kumpiyansa sa Tala dahil alam nilang matatanggap nila ang buong halaga ng kanilang loan nang walang nakagugulat na hidden fees.

“Masaya kami sa desisyong pasukin ang Philippine market noong 2017. At sana mas marami pa kaming matulungang mga Pilipino para maabot ang kanilang mga pangarap kasama ang Tala dahil lagi kaming nandito para sa kanila,” ani Evangelista.

Bilang isa sa pinakabagong evolution ng mga pinagkakatiwalaang serbisyo ng digital microloan ng Tala, gumagamit ng New Tala Loan ng proprietary technologies at machine algorithms upang maunawaan ang mga pangangailangan ng customer. Sinisiguro nila na patuloy na gagawa ang Tala ng mga tech-powered financial services sa mga susunod na taon na magbibigay-daan sa mga financially-excluded na pamahalaan ang kanilang financial needs nang may kumpiyansa.

AUTHOR PROFILE