Richard

Film enthusiasts, iyakan sa pagsasara ng Cinema 76

September 15, 2021 People's Tonight 549 views

IYAKAN ang film enthusiasts na regular clients ng Cinema 76 Film Society San Juan branch.

Opisyal na kasi itong isinara sa publiko kahapon, September 15, matapos ianunsyo sa isang video sa social media accounts nito.

Pero tuloy pa rin ang Cinema 76 Anonas branch bilang tahanan ng movie fans na “looking for home.”

Anyway, ngayon ang mga simula ng alert levels sa Metro Manila at mga lugar na maraming kaso ng COVID-19.

Nganga pa rin ang movie producers dahil mananatiling sarado ang mga sinehan sa paiiraling guidelines.

Sad…

PANGARAP NI RICHARD, NATUPAD

ACHIEVED ng Kapuso actor na si Richard Yap ang dream na magpatawa sa Bubble Gang dahil siya ang special guest sa episode ng comedy show na ipinalalabas na ang TV plug.

Mas unang nakilala si Richard sa romantic comedy series at ‘yan din tila ang tema ng una niyang GMA series na I Left My Heart In Sorsogon kapareha si Heart Evangelista.

Anyway, balikan ang love story ni Chard at asawa niyang si Melody ngayong Sabado sa Magpakailanman sa episode na Gua Ai Di/I Love You kung saan sina David Licauco at Shaira Diaz ang gaganap bilang sina Richard at Melody. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE