Zacate

FDA bukas sa paggamit ng marijuana bilang gamot

February 13, 2024 Chona Yu 377 views

BUKAS si Food and Drug Administration (FDA) director General Samuel Zacate sa panukalang paggamit sa marijuana bilang gamot sa ibang uri ng sakit.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Zacate na nagbabago o tuloy ang innovation sa medisina.

Dapat aniyang magkaroon ng malawak na opsyon ang mga Filipino sa pagpili ng gamot.

Pero ayon kay Zacate, dapat lamang tiyakin na hindi makasasama sa mga Filipino ang paggamit ng marijuana.

“My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang.My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice so ako po ay for the record, to the Food and Drug Administration, as the director general is very much open for the marijuana as long as this has been streamlined at hindi makakasama sa ating mga kababayan,” pahayag ni Zacate.

Ipinauuubaya na ni Zacate sa mga mambabatas ang pagbalangkas ng batas kung gagawing legal ang paggamit ng marijuana.

Una nang ipinanukala sa Kamara na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

AUTHOR PROFILE