Default Thumbnail

Ex-SK chair, mayor’s son utas sa 27th birthday

April 9, 2024 Christian D. Supnad 129 views

VIGAN CITY, Ilocos Sur–Utas ang isang dating Sangguniang Kabataan chairman at anak ng dating mayor ng Caoayan, Ilocos Sur ng pagbabarilin sa kanyang 27th birthday noong Lunes sa syudad na ito.

Base sa imbestigasyon ng police, minamaneho ng biktimang si Marion Tugade ng Brgy. Don Alejandro Quirolgico, Caoayan ang kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) kasama ang girlfriend nang biglang paulanan ng bala ng riding-in-tandem.

Tinamaan daw sa mukha at ulo ang biktima na kanyang ikinamatay. Anak ni ex-mayor Mario Tugade ang biktima.

Tameme sina Col. Darnell Dulnuan, police director ng syudad, at Lt. Col. Danny Ligayo, chief investigator ng provincial police office, nang tanungin ng media dahil malamang na hindi pa nila nareresolva tng patayang naganap sa tourism center ng Vigan.

Wala pang pahayag ang PNP regional office 1 na mabilis magbigay ng spot report kapag may accomplishment sila.