Posas

Kelot huli sa indiscriminate firing

April 9, 2024 Jojo C. Magsombol 43 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado ang isang lalaki noong Linggo dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte kay Calabarzon Police chief P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Isang tawag sa cellphone ang natanggap ng mga kapulisan mula sa mga residente ng barangay tungkol sa pagpapaputok ng baril ng suspek na si alyas Joel bandang alas-5:50 ng hapon.

Nakumpiska ng mga otoridad ang caliber .40 pistol, isang magazine na may mga lamang bala, isang fired cartridge lahat ay para sa kalibre .40; kasama ang isang firearm registration card na valid hanggang Abril 17, 2032; isang permit to carry ID; isang License to Own and Possess Firearm (LTOPF).

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec.2, Paragraph B, RA 11926 o Indiscriminate Firing.

AUTHOR PROFILE