Ex ng fiance ni Ara na si Rina Navarro: ‘We have moved on’

May 10, 2021 Eugene E. Asis 2659 views

SA mediacon para sa Unfiltered Skin Essentials, hindi maiwasang matanong ang CEO ng kumpanya na si Rina Navarro tungkol sa ex na si Dave Almiranez, president and CEO of the Philippine International Trading Corporation), It’s public that Mr. Almiranez is now engaged to actress-entrepreneur Ara Mina, but just a few knew that he is also the father of Rina’s youngest son. Ayon kay Rina, masaya na siya ngayon at nakapag-move on na. “Matagal na ‘yun,” ayon kay Rina. “First of all, I am happy where I am now. We all have moved on. Siyempre, alam ko naman ang mga nagyayari…he’s the father of my son. All I wish are good things for him. Whatever good things that will happen to him, are also good for my son.”

Rina, aside from being Unfiltered Skin Essentials, is also a movie producer. Wala ba siyang balak mag-produce uli? “Kung gagawin natin uli yan, dapat bukas na ulit ang cinemas. Pag may tamang script, artista at tamang panahon.”

Ayon sa kanya, naka-focus ang attention niya sa Unfiltered Skin Essentials.

When we asked her why she didn’t try to become an actress since she has the looks (maybe even better than some actresses), she said. “I never had plans of becoming artista. Naka-focus talaga ako sa business, at sa pagiging (single) parent.”

Papayag daw ba siyang isapelikula ang buhay niya?

“Pwede naman,” aniya. “Actually, gusto ko talagang gawing pelikula ang buhay ko dati. Kasi I was a young widow at ang daming nangyari sa buhay ko. Kaya lang, feeling ko nagi-start pa lang ang journey ko. Wala pang magandang ending.”

At kung sakali raw, gusto niyang si Bea Alonzo ang gumanap bilang bida. “Alam niya lahat ang tungkol sa akin,” ani Rina. “Kilalang-kilala niya (Bea) ako.”

Kasama ni Rina si Bea sa I Am Hope Foundation na malaki rin ang naitulong sa mga frontliner sa gitna ng pandemya.

Is she in a relationship right now?

“May nagpapasaya sa akin ngayon,” she ends with a laugh.

Jessica Villarubin may natanggap na maagang birthday gift

MAY maagang regalong natanggap ang The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin para sa paparating niyang ika-25 na kaarawan. Simula kasi noong Sabado, May 8, ay maaari nang ipre-order ang kaniyang upcoming single under GMA Music na ‘Beautiful’ sa iTunes!

Nakatakda itong i-release sa mismong birthday niya sa May 14 at swak na swak ang mensahe ng awitin para sa mga kababaihan. Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng transformation si Jessica at gusto niyang paalalahanan ang mga katulad niya na dati ay mahiyain at minsan nang na-bully na oras na para pahalagahan at unahin nila ang kanilang mga sarili.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso performer ang excitement para mapakinggan ng fans ang kaniyang bagong single, “Are you ready, Beautiful? ❤️ You’re in for a birthday treat this May 14, 2021!”

Abangan ang musical treat na ito ngayong Biyernes sa YouTube channel ng GMA Music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide!

Alice Dixson ibinahagi na ang gender at pangalan ng anak

MASAYANG ibinahagi ni Legal Wives star Alice Dixson ang pangalan at kasarian ng kanyang anak sa guesting niya sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga last Saturday, May 8.

Isa si Alice sa guests ng Eat Bulaga para sa kanilang Mother’s Day episode kung saan bida ang first-time moms.

Share ni Alice, “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Sana rin daw ay mas maaga niyang nalaman ang kasiyahang hatid ng pagiging nanay, “It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier… and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.”

Kuwento pa ng aktres, challenging daw ang adjustments niya bilang first-time mom. “It’s not difficult kasi wala naman akong comparison pero siguro like all first-time moms, mahirap ‘yung puyat, mahirap ‘yung adjustments sa pagpapakain ng baby, saka sa totoo lang, hanggang ngayon wala pa rin akong yaya so, it’s all me,” aniya.

Samantala, gagampanan naman ni Alice ang karakter ng isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa upcoming cultural drama series ng Kapuso Network na Legal Wives.

AUTHOR PROFILE