After Sunshine, Lovi’s next?

May 10, 2021 Joey Aquino 536 views

NAPABALITA na ang opisyal na paglipat ni Sunshine Dizon sa ABS-CBN bilang bagong Kapamilya.

Ngayon, umuugong na rin ang diumano’y paglipat ni Lovi Poe para maging Kapamilya. As of this writing, Lovi is still mum on the issue. Nakakatawa na sa kabila ng pagkawalan ng prangkisa ng nasabing network, marami pa rin sa mga Kapuso ang nag-o-ober da bakod. Nitong Enero lang, tuluyan na ring lumayas itong si Janine Gutierrez sa dating network. At kamakailan lang, naging usap-usapan din ang umano’y paglipat ni Michael V sa rival network.

Mapapansin na hindi lang mga starlet ang umaalis sa poder ng GMA network kundi major stars. Maganda ang naging takbo ng career ni Sunshine sa loob ng 25 years bilang Kapuso. Hindi siya nawalan ng project. Sa katunayan, bida siya sa huli nitong teleseryeng “Magkaagaw.” Pero bakit naisipan pa niyang lumipat ngayong panahon pa ng pandemya, lalo’t wala pang prangkisa ang nilipatang network? Ilang beses na rin naman niya itong sinagot nang tanungin siya ng ating mga kasamahan sa showbiz ukol sa kanyang naging desisyon.

Pero iba ang obserbasyon ng isa naming kaibigang TV writer. Kaya raw marami ang mga Kapuso na gustong maging Kapamilya ay gusto raw nila na ma-feel ang pagiging totoong artista. ‘Yung kilala ka ng mga Pinoy sa loob at labas ng bansa. Iba raw kasi ang dating ng isang Kapamilya star, mukhang artista raw talaga. Iba ang packaging kumpara sa image build-up ng GMA network. Ika nga, may “magic” daw ‘pag isa kang Kapamilya. Pangalawa, mas lumalabas daw ang husay at galing dahil iba ang work environment sa Dos. Running joke nga sa Mother Ignacia na hindi na tinitingnan ng mga Kapamilya ang kompetisyon sa labas dahil mismo sa loob ang totoong kompetisyon. Pagalingan, matira ang magaling at matibay. Marahil ‘yan ang totoong hinahanap ni Sunshine ngayon sa kanyang buhay. Siya na mismo ang nagsabi, this (network) is “where (she) will bloom.”

Ngayon, nangunguna sa ratings ang mga Kapuso program dahil iilan lang naman ang mga programa ng ABS-CBN na umeere sa free TV. Kaya pagdating sa ratings, talo talaga sila. Pero ‘di maitatanggi na nangunguna ang huli sa digital platforms.

So, bakit naglilipatan ang mga artistang Kapuso at gustong maging Kapamilya? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE