Imelda

Ex-First Lady Imelda Marcos maayos ang lagay

March 6, 2024 Chona Yu 88 views

ISINUGOD sa ospital si dating First Lady Imelda Marcos.

Ito ay dahil sa slight pneumonia.

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isinugod ang 94 anyos na unang ginang habang dumadalo sa ASEAN-Australia Special Summit.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakausap na niya ang doktor ng kanyang ina.

Maayos naman aniya ang lagay ng unang ginang.

“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat din ang Pangulo aa sambayanang Fililono sa nagdasal sa agarang ikagagaling ng kanyang ina.

AUTHOR PROFILE