Eheads

Eraserheads concert kailangang magdagdag ng area para sa manonood

December 17, 2022 Aster Amoyo 208 views

Eheads1Eheads2

SOLD out ang reunion concert ng Eraserheads na kinabibilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Raimund Marasigan at Marcus Adoro na pinamagatang “Eraserheads, Huling El Bimbo 2022” na gaganapin sa SMDC Festival Grounds in Paranaque.

The Filipino rock band icon is set to re-live their iconic songs tulad ng “Pare Ko,” “Huling El Bimbo,” “Alapaap,” “Toyang,” “Kailan,” “With A Smile,” “Kaliwete,” “Balikbayan Box,” “Ligaya,” “Huwag Mo Nang Itanong,” “Dahan Dahan,” “1995” at marami pang iba.

Dahil sold out kaagad ang tickets sa unang apat na araw pa lamang ng release ay kinailangang magdagdag ng additional section to accommodate their fans. “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano heads the special guest performers and Gary’s son Paolo as the concert director.

Bukod kay Gary, mapapanood din ang yumaong King of Rap na si Francis Magalona performing with the band sa pamamagitan ng hologram. Ginawa rin ito noon sa concert ng yumaong si Natalie Cole sa classic hit ng kanyang late father na si Nat King Cole, ang “Unforgettable” in her Manila concert many years ago.

The late Francis M had a duet with his good friend Ely sa awiting “Unstrung Heroes”.

It was in 2002 nang mag-desisyon ang lead vocalist, musician and songwriter na si Ely Buendia na umalis sa banda na itinatag nung 1989 over personal rift among the members. Although matagal na itong na-resolve, hindi na muling nabuo ang kanilang grupo but has had several reunion concerts since then.

Ang huling reunion concert ng grupo ay nung March 5, 2009 na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds na pinamatagang “The Final Set” but the band continued doing concert tours abroad mula 2012 hanggang 2014.

Ang mga classic hit songs ng Eraserheads was adapted into a hit musical play at the Newport Performing Arts Theater nung July 20, 2018 up to September 2, 2018.

Dahil sa malaking tagumpay ng musical play, nagkaroon ito ng successful re-staging nung March 2019 sa Newport World Resorts (formerly Resorts World Manila).

Ang kanilang major reunion concert on December 22, 2022 will be followed by their US and world tour.

Sa mga hindi makakapanood nang live sa actual concert laluna sa ibang bansa. The live concert will be streamed live via pay-per-view ng iWant TFC at iba pang platform.

ValeraValera1Valera2

Valera3Ang buhay at awitin ni Rey Valera

UNKNOWN to many, OPM icon, singer-songwriter, musician and record producer Rey Valera started writing songs when he was thirteen years old.

Tulad ng maraming pamilya, si Rey ay produkto rin ng isang broken family.

He was only eight years old nang magkahiwalay ang kanyang parents leaving his elder sister and a brother without parents matapos maagang sumakabilang-buhay ang kanilang ina while their father has remarried.

For a while ay tumira si Rey kasama ang kanyang ama at madrasta.

Dahil hindi niya makasundo ang kanilang stepmother ay nag-desisyon siyang makitira sa mga kamag-anak and eventually sa kanyang elder sister na nakatira noon sa Bulacan na dingding lamang ang pagitan sa sementeryo.

Rey was only 13 nang magsimula siyang sumulat ng kanta para sa kanilang choir in Bulacan.

Dahil nagmula sa mahirap at hiwalay na pamilya si Rey, nagku-commute lamang siya noon papasok ng school sa Far Eastern University (F.E.U.). Lahat ng kanyang nakikita sa kanyang paligid habang siya’y nasa loob ng jeepney ay nagkakaroon siya ng idea o inspirasyon sa susunod niyang gagawing komposisyon pagdating ng bahay.

Ang awiting “Mr. DJ” ng megastar na si Sharon Cuneta ay nabuo niya habang umuulan at nasa loob siya ng jeep.

“Si Boss Chito (Ilacad) ng Vicor (Music Corporation) ang nagbigay sa akin ng break sa recording,” pahayag ni Rey. “Siya pa noon ang head ng production sa Vicor.”

Estudyante pa si Rey ay nagsa-submit na umano siya ng kanyang mga composition in cassette form sa Vicor na nasa Raon pa noon. Pero hindi umano ito napapansin.

Nung nainitan ni Rico J. Puno, kinompos niya ang awiting “Ako si Superman” which he wanted Rico J. to record. Pero tinanggihan umano ito ng yumaong `Total Performer’ and OPM icon. Ang ginawa ni Chito, he asked Rey to record the song sa Cinema Audio, ang number one recording studio noon na pag- aari ni Jose Mari Gonzalez, ama ng singer-actress na si Cristina `Kring-Kring’
Gonzalez.

Nang i-release ng Vicor ang “Ako si Superman” ay naging hit ito at naging daan ng kanyang pagpirma ng recording contract with Vicor and he also became an in-house composer for other artists ng record company na pag-aari pa noon ng mag-pinsang Vic del Rosario at Orly del Rosario Ilacad.

Nang magkahiwalay ang magpinsang Vic and Orly in December 1977, former Senate President Tito Sotto became the vice-president for music production ng Vicor. Tito Sen asked Rey kung puwede itong sumulat ng isang kanta para sa isang 12-year-old girl who happens to be Sharon Cuneta, na kanyang pamangkin sa misis niyang si Helen Gamboa-Sotto.

“Gumawa ka ng kanta na tutugtugin ng mga (radio) DJ,” ani Tito Sen kay Rey.

Nang makita at marinig niya ang boses ni Sharon ay doon umano siya nagsimulang mag-isip ng kanta na babagay sa kanya at sa kanyang edad. Hindi pwedeng love song dahil bata pa ito at hindi rin puwedeng malungkot o tungkol sa paghihiwalay. Pero nag-stick sa kanyang mind ang salitang DJ na sinabi sa kanya ni Tito Sen, “Yung tutugtugin ng mga DJ”.

On his way home, umuulan at naririnig niya ang patak ng ulan, presto doon niya nabuo ang awiting “Mr. DJ” for Sharon. Three days later after he submitted the song to Vicor ay agad ito ni-record ng megastar. When the song was sent to various AM and FM stations in Metro Manila, it became an instant hit and made Sharon Cuneta an instant recording star. Pero ang naunang composition ni Rey for other artists ay ang “Pangako sa `Yo” which was recorded by Geraldine under Vicor na naging malaking hit din.

The song “Mr. DJ” catapulted to fame Sharon hanggang ito’y masundan pa ng maraming hits and eventually movies and theme songs where she earned her tag as Megastar.

In the meantime, sabay din ang pagsikat noon si Rey bilang singer- composer sa bakuran ng Vicor.

In our exclusive interview with Rey sa aming online show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo,” ibinahagi ng singer-songwriter na nagsimula umano siyang magsulat ng kanta at age 13 sa loob ng sementeryo na walang gambala kaya madali umano siyang nakakabuo ng kanta gamit ang kanyang gitara na natutunan niyang mag-isa without formal training pati ang piano.

“Napaka-suwerte ng henerasyon ngayon because they have everything technically kumpara nung panahon namin,” pahayag ni Rey.

“Manood ka lang sa YouTube may matutunan ka,” aniya.

“Sobrang moderno ang mga kagamitan ngayon maging sa recording and you can also put up your own home studio kung gugustuhin mo. During our time, imposible `yon,” dugtong pa niya.

Rey has four children. Although lahat ito ay may mga musical skills, it’s a tall order na makumpara sa kanya kaya nag-desisyon ang mga ito na mag-iba ng kanilang respective fields.

Inamin ni Rey na hangga’t kaya niyang magsulat ng kanta at mag-perform ay magpapatuloy umano siya sa kanyang trabaho bilang singer, songwriter, record producer at performer.

Natutuwa rin siya na ang kanyang mga sinulat at pinasikat na awitin ay naging bahagi na rin throughout the years ng buhay at kultura ng mga Pilipino na narito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE