Boy

Boy, gustong pagsabayin sina Marian at Heart sa interbyu

December 17, 2022 Vinia Vivar 99 views

MarianHeart

After 28 years, Kapuso na muli ang King of Talk na si Boy Abunda matapos pumirma ng exclusive contract na sinundan ng isang grand homecoming at welcome media conference nitong Huwebes.

Aminado ang TV host na hindi naging madaling desisyon para sa kanya ang lumipat at iwanan ang ABS-CBN na matagal din niyang naging tahanan.

Aniya, matagal na pag-uusap ang naganap sa pagitan nila ng GMA-7 na nagsimula pa bago pa man ang pandemic.

“We started talking, pre-Covid pa ‘to. Matagal. Can I say that? ‘Yun naman ang totoo talaga. Pero ang usapan namin noon was kumustahan, ‘libre ka na ba?’ and then we will forget about it. And then, we would just joke about it.

“Pakiramdaman at saka magalang. ‘Yun ‘yung difficulty doon, nangyari ang Covid,” pagbabahagi ni Kuya Boy.

Pagdating sa pamamaalam sa ABS-CBN, bagama’t napakahirap din daw nito ay nakipag-usap naman siya nang maayos.

“Goodbyes are hard in any language. Saying goodbye, lalo na sa personalidad sa katulad nating marami. Ayaw nating makasakit.

“Pero ako, nakipag-usap ako nang mahusay, nagpaalam ako nang mahusay at nagbabalik ako nang mahusay,” he said.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon si Kuya Boy at aminado naman siyang nami-miss niya talaga ang TV.

Bagama’t sumabak na rin siya sa digital world at mayroon siyang The Boy Abunda Talk Channel online, iba pa rin daw talaga ang telebisyon.

Asked kung bakit gusto niya pa ring bumalik sa telebisyon, aniya, “It’s an entirely different power. I believe in the magic of television. Ang training ko kasi, telebisyon. So, hinahanap-hanap ko talaga.

“Hinahanap ko ‘yung disiplina siguro? Kung hindi man disiplina, hinahanap ko siguro ‘yung how it is to do television. I got into social media, I got into YouTube, I got into TikTok, I got into

Facebook, pero alam ng marami na hindi ako native. But I know enough to be able to engage on various platforms.”

Pero siyempre, mas pamilyar na siya sa sistema ng television at dito siya sanay talaga.

“I wanted to go back to television. I wanted to go back to what I’m used to,” aniya.

Wala pang detalye kung ano at ilan ang shows ni Kuya Boy na gagawin sa GMA-7 pero definitely ay may programa nang mapapanood sa kanya sa first quarter ng 2023.

Ilan sa mga personalidad na gusto niyang makapanayam at mai-guest sa kanyang show ay sina Heart Evangelista, Marian Rivera, Arjo Atayde and Maine Mendoza at mga younger artist ng GMA-7.

Nasa listahan din daw niya sina Alden Richards, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Bianca Umali, Barbie Forteza, Paolo Contis at marami pang iba.

“Kung nanonood kayo, Heart, Marian…,” panawagan pa ni Kuya Boy.

“You know, they know I’d love to start with them. Kailangan ko ng tulong nila, tatanggapin ko ‘yun. But I’d like to be able to do meaningful and fun conversations with them,” pahayag ng King of Talk.

Tinanong namin si Kuya Boy kung sino sa mga binanggit niya ang gusto niyang mai-guest sa pilot episode ng bago niyang show at ang bilis ng sagot niya na si Heart.

“Subok lang naman ito, hindi ko naman alam kung mapagbibigyan ako ni Heart. Dahil ang kwento niya kasi, walang klarong narrative pa. So, hindi ko alam if I can do an interview with Heart,” sey ni Kuya Boy.

Espesyal daw sa kanya si Heart dahil naging estudyante niya ito sa hosting at naging kaibigan eventually for so many years.

Matagal na rin daw silang hindi nagkikita.

Kung hindi raw pwede si Heart ay si Marian ang isa pang option.

“I’d love to be able to do a fun interview with Marian Rivera. Fun interview. Wala lang, kalokahan lang,” sey niya.

What if sabay na lang sina Marian at Heart?

“Ay, gustung-gusto ko,” sambit agad ng TV host.

Tawanan ang lahat since alam naman sa buong showbiz na nagkaroon ng feud in the past ang dalawang aktres.

AUTHOR PROFILE