Edu

Edu gustong bilhin si Baby Peanut

October 25, 2022 Aster Amoyo 406 views

Edu1

JUST like any other parents, excited na rin ang veteran actor and businessman na si Edu Manzano sa nalalapit niyang pagiging grandfather sa magiging unang baby ng kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-wife na si Vilma Santos-Recto) na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola.

Baby girl ang magiging unang apo ng estranged couple na sina Edu at Vi na ngayon pa lamang ay hindi na nila halos mahintay na makita.

Nagbiro pa nga si Edu na kung papayag sina Luis at Jessy, bibilhin niya ang magiging anak nito (na tinatawag nilang Baby Peanut) para sa kanya na lang.

Pero papayag naman kaya si Ate Vi?

Samantala, going strong pa rin ang relationship nina Edu at actress Cherrie Pie Picache.

Si Edu ang pangunahing bituin sa MMFF official entry na ‘Mamasapano’ under Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Asunta

Assunta gustong bumalik sa pag-arte

HANGGANG ngayon, halos hindi makapaniwala ang Fil-Italian actress na si Assunta de Rossi na nabiyayaan sila ng kanyang mister (of almost 20 years) na si Jules Ledesma ng isang napakagandang anak na si Fiore who turned two last Sunday, October 23.

Ayon sa 39-year-old actress, nag-iba ang kanyang pananaw nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak na itinuturing nilang `miracle baby’eighteen years matapos silang ikasal nung December 14, 2002 sa San Carlos City, Negros Occidental, hometown ng dating mambabatas at negosyante.

Assunta has two grown-up stepchildren na sina Cristina Julieta at Julio Carlos, mga anak ni Jules sa kanyang namayapang unang misis na si Ma. Cristina Ledesma.

Ngayong two years old na si Fiore, puwede na rin siyang muling tumanggap ng trabaho bilang actress.

Aminado ang nakatatandang kapatiid ni Alessandra de Rossi na nami-miss na umano niyang umarte sa harap ng camera.

Si Assunta ay huling napanood sa TV drama series na “Impostora” on GMA nung 2018 at huling pelikula naman niya ang “The Super Parental Guidance” in 2016.

Samantala, masaya rin si Assunta na narito sa Pilipinas ang kanyang parents na mahigit tatlong taon din niya hindi nakita at nakapiling.

Direk Lester pang-MMFF

MASAYA ang young director na si Lester Dimaranan na binigyan siya ng pagkakataon ng Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio na pamahalaan ang true-to-life movie na “Mamasapano” na inumpisahan ng mahusay na director na si Lawrence Fajardo.

Hindi ikinakaila ni Direk Lester na malaking challenge sa kanya ang nasabing pelikula dahil bukod sa ito’y base sa totoong pangyayari, hindi rin matatawaran ang bumubuo ng cast nito na pinangungunahan ni Edu Manzano at ang maraming challenges na kanilang pinagdaanan para lamang mabuo ang pelikula.

Ang “Mamasapano” ay second movie na ni Direk Lester na kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival. Nauna na rito ang suspense-thriller movie na “Nelia” na pinagbidahan ni Winwyn Marquez nung isang taon. The movie was produced by AQ Prime at kamakailan lang ay nanalo si Winwyn bilang best actress sa International Film Festival Manhattan para sa naturang pelikula.

Gerald

Gerald di natinag ng kontrobersiya

MATAPOS ang matagumpay na “Doll House” nina Baron Geisler at Althea Rueda na dinirek ni Marla Ancheta na nag-number 1 on Netflix since its release on October 7, 2022 under Mavx Film Productions, pelikula naman ni Gerald Anderson ang isusunod ng nasabing film company na mapapanood din on Netflix simula sa darating na November 1. Ito ang “To Russia with Love” na dinirek ng ng writer-director na si Veronica Velasco.

Si Direk Veronica rin ang nag-direk ng pelikulang “Through Night and Day” na tinampukan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi na nag-number 1 din sa Netflix nung 2018. Bukod dito, siya rin ang nagdirek ng mga pelikulang “Nuuk,” “Will You Marry Me, “ “Mia,” “Single/Single: Love is Not Enough,” “Tuhog,” “Dear Other Self” at iba pa.

Bukod kay Gerald, ang romance-comedy film na “To Russia with Love” ay tinatampukan din nina Elena Korlova, Ivan Carapiet, Scott Alexander Young, Simon Szabo, Jef Gaitan, Kakai Bautista, Karl Gabriel, Isay Alvarez, Malou Crisologo at Veronica Reyes.

Masaya ang nobyo ni Julia Barretto na matapos ang matinding kontrobersiya na kanyang kinaharap nung 2019 na may kinalaman sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo, sunud-sunod naman ang trabahong dumating sa kanya kahit sa gitna na pandemya.

In 2020, siya’y napanood sa hit primetime TV series na “A Soldier’s Heart” na sinundan ng “Init Sa Magdamag” in 2021 at ngayon ang “A Family Affair”.

TVJ

Tito, 74, balik-Eat Bulaga, walang balak magretiro

FORMER Senate President Tito Sotto considers “Eat Bulaga” his real home’ dahil dito nabuo ang kanilang mga pangarap nina Joey de Leon at nakababatang kapatid na si Vic Sotto.

They consider their biggest break bilang main hosts ang “Eat Bulaga” na kanilang sinimulan in July 1979.

At 74, wala pa umano sa bokabularyo ni Tito Sen ang mag-retiro laluna sa larangan ng entertainment.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE