Echo

Echo at Kim pinagtawanan ang paglabas ng paghihiwalay nila

February 29, 2024 Vinia Vivar 91 views

Kinumpirma na ni Jericho Rosales na magkaibigan na lang sila ngayon ng asawang si Kim Jones.

Sa panayam ng aktor sa Cosmopolitan, sinabi ng aktor na single siya at okay naman sila ni Kim. In fact, nagtatawanan pa nga umano sila nang lumabas ang balitang hiwalay na sila.

“We were just talking about it, laughing about it,” aniya.

“We thought that it was the perfect time because the goal was really to show people that we’re good. We’re really good. We’ve crossed over, you know, we’ve transformed the relationship into something really special as friends,” pahayag pa niya.

Naiintindihan naman niya na maraming nalungkot pero marami rin naman daw ang pumupuri sa kanila kung paano nila na-handle nang maayos ang separation.

“But, of course, you can’t ignore people being sad. Never mind all of the other crazy comments and things like that. It’s normal. It’s natural. We’re in the limelight.

“I think the best part was that it was considered a ‘success’ when we felt that people understood and people saw that things like this can happen. And it shouldn’t always be sad. It shouldn’t always be a bad thing. You know what I mean?” he said.

Ayon pa kay Echo, gusto niyang ipakita and in a way ay magsilbing inspirasyon sa lahat na pwede mong maging kaibigan ang iyong ex.

“It’s one of the best things that ever happened to us. And we wanted for people to be inspired and show them that, ‘Hey, look, it can be done. You can be friends with your ex,” aniya.

At bilang patunay nga na maganda ang kanilang relasyon ni Kim bilang magkaibigan, magkasama sila ngayon sa isang project na ginagawa nila.

“Actually, I’m working with her on her new project because she’s producing a film for someone. So, I’m also supporting that,” he said.

Matatandaang ikinasal sina Echo at Kim noong 2014 sa Boracay. Last year ay lumabas ang mga bali-balitang hiwalay na ang mag-asawa since 2022.

Nitong January ay kinumpirma na ng ninong sa kasal nina Kim at Echo na si Ricco Ocampo na hiwalay na nga ang mag-asawa pero nananatili silang mabuting magkaibigan.

AUTHOR PROFILE