Jo1

Jo Berry natakot kay Sheryl

February 29, 2024 Eugene E. Asis 97 views

SherylAYON kay Sheryl Cruz, hindi problema sa kanya ang gumanap bilang isang kontrabida. Ang problema, ayaw niyang magkontrabida sa mga mas maliit, mas payat at sa mga batang-bata sa kanya.

Kaya naman nang ipaabot sa kanya na siya ang gaganap bilang kontrabida sa bagong Kapuso afternoon series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” medyo nagdalawang-isip siya.

Ang makakatikim kasi ng kanyang lupit ay ang “little actress” na si Jo Berry na gaganap sa title role.

Medyo mahabang paliwanag ang in-absorb niya bago siya pumayag. Una, maganda ang role at pangalawa, kailangan talaga ni Jo Berry ng isang strong opponent.

Kaya napapayag na rin si Sheryl. “At saka, I heard na rin from my cousin, si Sunshine (Cruz), na magaling nga raw si Jo. Noong nag-umpisa na kaming mag-work together, napatunayan ko talaga na magaling siya.”

Maingat, pero tama ang galaw at timing ni Sheryl sa confrontation scenes nila kung saan kailangan silang magsakitan. Dito raw talagang gumulong si Jo, “Magaling siyang stuntwoman,” natatawang nagkuwento si Sheryl. “Gumulong siyang mag-isa.”

Ayon naman kay Jo, talagang nakaramdam siya ng takot sa eksena nila ni Sheryl. “At dahil po dun, mas nagawa ko ng tama ang mga eksena. Na-starstruck din ako kay Miss Sheryl. May eksena kami na hindi ko makakalimutan. Hindi ako masyadong nakapag-ready, kasi tumakbo ako, tapos pagdating doon, sa sobrang taas ng emotions ni Miss Sheryl, nadala ako.

“Ang bilis kong nakaiyak dahil ganun niya ako sinigawan, kasi nagawa ko ang part ko agad.

“Kasi yung scene, ang hirap, from sa pagtakbo ko, hindi pa ako ready sa scene, pero si Miss Sheryl, parang de-buton, at nadamay talaga ako. Ang galing-galing niya!” kuwento pa ni Jo.

Mag-uumpisang mapanood ang ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’ simula sa March 4 kapalit ng “Stolen Life” sa GMA7 Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE