EA Guzman

EA at Shaira, walang prenup

February 25, 2024 Vinia Vivar 106 views

Sa taong 2026 gaganapin ang kasalang EA Guzman at Shaira Diaz.

Nakatsikahan namin si EA sa mediacon ng bagong GMA-7 series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” na pinagbibidahan ni Jo Berry at ayon sa aktor ay nag-iipon pa siya.

Asked kung engrande ba ang kasalan, he humbly said na ibibigay lang niya ang dream wedding ng fiancee.

“Siyempre po para sa akin kasi, minsan lang siya mangyari, once in a lifetime, so gusto namin ni Shaira, ‘yung deserve namin na wedding. Hindi ko naman sinasabi na engrande or something.

‘Yung deserve lang namin, ‘yung gusto talaga namin, especially Shai, ‘yung dream wedding niya. So, gusto ko lang ding gawin ‘yun para sa kanya,” sey ni EA.

Church wedding umano ang gusto ni Shaira at dito lang gaganapin sa Metro Manila. Sa ngayon ay nagsisimula na silang maglista ng mga ninong at ninang, gayundin ng entourage.

Dahil two years from now pa ang wedding, biniro ng press si EA kung kakayanin pa ba niyang maghintay kay Shaira sa “no sex before marriage” rule ng fiancee.

“Kung 11 years nga, natiis ko, ‘di ba? Bakit ‘yung ilang taon na lang na talagang magiging asawa ko na siya and alam mo ‘yun, magkakaroon ako ng sariling pamilya. So, ako lang talaga, ‘yung love ko kay Shaira and respect. ‘Yun lang talaga ‘yung reason kung bakit talaga ako… kung bakit ko natiis, ba’t ko nakayanan,” sabi ng aktor.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng engaged couple ang kanilang 11th anniversary.

Asked kung may prenuptial agreement ba sila, sambit ni EA, “Wala po, wala po kaming ganu’n.

Samantala, ang “Liliet Matias: Attorney at Law” ay pinagbibidahan ni Jo Berry as the title roller. Ginagampanan ni EA sa serye ang papel na Kurt na colleague ni Atty. Lilet.

Magsisimula na ngayong March 4 ang naturang serye at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes at 3:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr. Kasama rin sa serye sina Sheryl Cruz, Jason Abalos, Bobby Andrews at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE