Default Thumbnail

‘Dropout’ huli sa Gapan buy-bust

April 22, 2023 Steve A. Gosuico 381 views

GAPAN CITY – Isang 42-anyos na high school “dropout” umano ang nasakote ng Gapan police sa isang buy-bust operation matapos na ito ay mahulihan ng hindi lisensiyadong baril at iligal na droga.

Ayon kay city police head Lt. Col. Wilmar M. Binag, ang suspek, driver, at hindi nakapagtapos umano ng high school, ay residente ng San Jose City, Nueva Ecija.

Dinakip agad ang suspek matapos magbenta ng shabu na may halagang P500 sa isang operatiba sa Bgy. Bayanihan dakong 12:30 ng umaga nitong Sabado.

Sa nasabing operasyon, narekober ang sampung plastic sachets ng shabu na may halagang aabot sa P6,800 at isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala, dagdag ni Binag.

Ang suspek ay isasailalim sa inquest proceedings sa city prosecutor’s office dahil sa paglabag sa kasong Republic Act 9165 at Republic Act 10591.

AUTHOR PROFILE