Default Thumbnail

Droga, asukal, timbog sa NAIA at Subic

March 22, 2023 Vic Reyes 189 views

Vic ReyesMULI na namang pinatunayan ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City na sila’y may mga “matang agila” (eagle-eyed).

Hindi makalulusot sa mga tauhan ni Port of NAIA District Collector Carmelita “Mimel” C. Manahan-Talusan ang mga illegal drugs na nakatago sa mga kargamento.

Noon ngang Marso 20 ay pinangunahan pa nina BOC Chief Bienvenido Y. Rubio at Deputy Commissioner Juvymax Uy ang inspeksyon ng shipment na may mga nakatagong droga.

Bago nito ay nabisto ng mga operatiba ni Collector Mimel Talusan na may mga kakaibang “palaman” ang shipment na galing Africa nang idaan ito sa x-ray machine.

At nang buksan ang shipment sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City ay tumambad sa mga operatiba ang 58.93 kilograms na shabu na nagkakahalaga ng P400 milyon.

Iniimbestigahan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang consignee ng shipment para maisampa ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.

Ang pagpaparating sa bansa ng mga iligal na droga ay paglabag sa Republic Act No. 9165 at RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sinabi ni Commissioner Rubio, taga-Batac, Ilocos Norte, na nananatiling “steadfast” ang BOC “in protecting the country’s borders against any form of smuggling.”

Ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Marcos hindi lang sa BOC kundi sa buong government machinery na tapusin na ang ismagling na nagpapahirap sa taumbayan,

Lalo na sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang farm workers sa buong bansa.

***

Sa Port of Subic naman sa Zambales, isa sa major collection districts, ay may nasakote ring misdeclared na asukal na nagkakahalaga ng mahigit na P86 milyon.

Ang mga asukal ay kinumpiska ng mga tauhan nina Intelligence Group (IG ) Depcom Juvymax Uy at Enforcement Group (EG) Depcom Teddy Sandy S. Raval.

Pagkatapos na makatanggap ng derogatory information mula sa IG at EG ay nag-isyu ng Pre-Lodgment Control Order laban sa shipment si Port of Subic District Collector Maritess T. Martin.

Dito na nag-conduct ng non-intrusive examination at physical examination ang mga taga-Port of Subic laban sa kargamento.

Ang shipment na idineklarang naglalaman ng slipper outsoles at styrene butadiene rubber ay naglalaman pala ng 15,648 bags at sacks ng refined sugar.

Maliban kay Collector Martin, sinaksihan din nina Agriculture Assistant Secretary James Layug at representatives ng Sugar Regulatory Agency (SRA) ang physical examination ng container vans na naglalaman ng mga asukal.

Nag-isyu din si Collector Martin ng warrant of seizure and detention laban sa shipment

Sinabi pa ni Collector Martin na matagumpay ang kanilang anti-smuggling campaign dahil sa all-out support ng iba’t ibang partner-agencies ng Port of Subic.

Nangako rin ang lady district collector na hindi nila papayagan na may lumusot na illicit goods sa Port of Subic.

Iyan kasi ang kabilin-bilinan nina Pangulong Marcos at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na higit pang paigtingin ang kampanya laban sa iligal na pagpasok ng mga kontrabando sa bansa.

****

Nagsimula na ng tag-araw sa Pilipinas, ayon sa ating weather bureau.

Ang ibig sabihin nito ay lalo pang tataas ang ating konsumo ng kuryente dahil kailangan na nating gumamit ng electric fan at airconditioning units hindi lang sa araw kundi pati sa gabi.

Kung hindi naman kasi, baka magkasakit naman tayo dahil sa sobrang init.

Ang kawawa dito ay ang mga may sakit na wala man lang electric fan o walang pambayad sa kuryente.

Mabuti sana kung may mapuntahan silang mga shopping mall para magpalamig.

Mabuti pa sa Metro Manila, nandiyan ang Rizal Park, Fort Santiago, Paco Park at iba pang pasyalan na walang bayad.

Sana gumawa naman ng paraan ang mga lokal na government units sa buong bansa para may pasyalan ang kani-kanilang constituents sa panahon ng tag-araw.

Puwede ba, mga bossing?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE