Donbelle

DonBelle sila na ba talaga ang susunod sa KathNiel?

October 13, 2023 Joey Aquino 394 views

PRIZED talents ngayon ng ABS-CBN ang tandem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Known as DonBelle, their love team seems to be next to KathNiel – Kathryn Bernardo and Daniel Padilla – popularity wise. Ibang level na kasi ang huli. Kaya ang DonBelle na ang nagpapakilig sa mga Gen Z. Pumutok ang tambalan nila noong kasagsagan ng pandemya. Naging hit ang series nilang ‘He’s into Her’. Dahil dito, ginawan ng follow-up project. They topbilled their debut movie ‘An Inconvenient Love’, which is said to be the year’s top grosser. But according to my source, it was not as successful as hyped by their home studio.

One hit series and one high grossing movie are not yet enough to claim DonBelle’s box office power. Matatandaan na tinangkilik ang kanilang love team noong pandemya na nakatutok lahat sa online. Kaya sinubaybayan ang kanilang tambalan. Right timing ang kanilang pagsikat. Pero mas nasusukat ang kasikatan kung bumibili ng tiket ang fans para panoorin ang movie o concert ng isang artista.

Ngayon, muling patutunayan ang popularidad ng DonBelle sa kauna-unahan nilang primetime series na ‘Can’t Buy Me Love’. Ito ang papalit sa ‘Iron Heart’ ni Richard Gomez na magtatapos ngayong Biyernes. Simula October 16, aarangkada na ang ‘Can’t Buy Me Love’ sa primetime bida ng Kapamilya Network.

Ngayong back to normal na ang lahat, magiging top rater kaya ang teleserye ng DonBelle? Just asking…

Disclaimer:

Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE