Bong

DOH magtatayo ng 28 BUCAS, plano pinuri ni Bong Go

February 6, 2024 People's Tonight 130 views

NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa plano ng Department of Health (DOH) na magtayo ng 28 Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) sa buong bansa pagsapit ng 2028.

Ayon kay Go, ito ay naaayon sa kanyang adbokasiya na mapabuti ang pangangalagang pangkalusugan sa mga komunidad at ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Ang BUCAS ay isang pangunahing health hub na magbibigay ng serbisyong katulad ng nasa mga Super Health Centers na itinataguyod ni Go.

Ang mga BUCAS ay magkakaroon ng outpatient consultation, laboratory tests, minor surgeries, at emergency care.

Ngunit hindi tulad ng Super Health Centers na pinamamahalaan ng local government units, ang BUCAS ay pamamahalaan ng DOH at magsisilbing ekstensyon ng mga ospital nito.

“I commend the DOH led by Sec. Ted Herbosa for this initiative to improve our health care system and provide more accessible and affordable health services to our fellow Filipinos. BUCAS will reduce the burden on our hospitals and ensure that no one is left behind in our quest for universal health care,” sabi ni Go.

Idinagdag ni Go na ang BUCAS ay maaaring makipagsosyo sa state universities and colleges (SUCs) para sa pagkuha ng mga tauhan at training nang sa gayo’y makalikha ng oportunidad sa healthcare workers at mga mag-aaral.

Magsisilbi aniya ang BUCAS bilang venue ng health professional at mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang kakayahan at magkaroon ng karanasan.

Tugon din ito sa kakulangan ng health worker sa bansa at mahikayat ang mas maraming Pilipino na ituloy ang mga karera sa sektor ng kalusugan.

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng pagsasama sa BUCAS sa mga serbisyong ibinibigay ng Malasakit Centers, Super Health Centers, at Regional Specialty Centers, lumilikha ang gobyerno ng mas mahusay na sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa buong bansa.

Mababawasan aniya nito ang mga burukratikong hadlang para sa mga Pilipinong naghahanap ng tulong-medikal at titiyak na ang pangangalagang pangkalusugan ay tuluy-tuloy, walang stress na karanasan para sa lahat.

AUTHOR PROFILE