Zia

Dingdong wala sa birthday party ni Zia

November 30, 2021 Aster Amoyo 133 views

DingdongDingdong1Dingdong2WALA ang Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes sa 6th birthday celebration ng kanilang panganay ni Marian Rivera na si Zia (Maria Letizia) last November 23 (Tuesday) dahil ito’y nasa lock-in taping sa kanyang bagong proyekto sa GMA. Gayunpaman, hindi nagpabaya ang actor sa kaarawan si Zia na binigyan ng pink teddy bear-themed party ni Marian.

Nangako si Dingdong sa kanyang panganay na babawi umano siya sa kanyang pag-uwi.

Tuwang-tuwa naman si Zia nang malaman niyang magkasama sila ng kanyang Dada (Dingdong) sa Christmas sale (12-12) ng popular online shop dahil big fan umano ang bata ng Shopee commercial ni Jackie Chan.

Ang Shopee commercial nina Dingdong at Zia ay magkatulong na dinirek ng dalawang bigating director na sina Cathy Garcia-Molina at Dan Villegas na parehong malapit sa mister ni Marian Rivera.

NadineNadine mas priority ang pamilya

TATLO na ang apo ng veteran actress na si Isabel Rivas sa kanyang kaisa-isang anak na si Richard Chua at wife nitong Fil-German actress at Starstruck 2003 alumna na si Nadine Samonte (Nadine Burgos Eidloth-Chua) – 33.

Nadine shared her photo with her new baby girl na si Harmony Saige kahapon sa kanyang Instagram account.

Sina Nadine at Richard ay ikinasal sa farm ni Isabel in Zambales nung October 30, 2013 but it was only on their first wedding anniversary nila ipinaalam sa publiko ang tungkol sa kanilang kasal. Nung August 27, 2016 ay isinilang ang kanilang unang supling (a girl) na si Heather Sloane (5) habang ang kanilang pangalawa na isang boy na si Austin Titus (2 years and 7 months) ay isinilang naman nung April 2019.

Magmula nang mag-asawa si Nadine at magkaroon ng mga anak ay mas hinarap na nito ang kanyang domestic life more than her showbiz career.

Beautederm CEO may pangako kay Maja kapag ikinasal

SINCE sa Canada na naka-base ang mother ng singer, actress, dancer at entrepreneur na si Maja Salvador na si Thelma Andres, sina Maja at boyfriend nitong si Rambo Nunez ang lilipad patungong Canada para doon magpalipas ng Pasko at Bagong Taon. They also plan to meet-up in the US (East Coast) na malapit lamang sa Canada kung hindi aabot ang bagong Canadian visa ng aktres.

At 33, nasa edad na rin si Maja na mag-asawa pero hinihintay na lamang nito ang proposal ng kanyang nobyo. Sumasagi na rin ito sa kanilang usapan although wala pa umano silang definite plans.

Nangako naman ang president-CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na sasagutin niya ang reception ng wedding nina Maja at Rambo sakaling naisin na nilang magpakasal.

Si Maja along with Kamilya young star na si Andrea Brillantes ay siyang pinakabagong brand ambassadors ng Beautederm health booster products – ang Reiko at Kenzen.

Rich buntis na naman

LAST September, ibinahagi ng dating Kapuso actress nasi Rich Asuncion ipinagbubuntis niya ngayon ang kanilang magiging second baby ng kanyang husband na si Ben Mudie habang magta-talong taon naman ngayong Biyernes, December 3 ang kanilang first child na si Isabella na isinilang nung December 3, 2018.

After one year and nine months, adjusted na ang mag-asawa at kanilang anak sa kanilang bagong buhay sa Australia.

Ang mag-asawang Rich at Benjamin ay ikinasal sa isang simple and intimate wedding ceremony in Hong Kong nung May 28, 2018.

Si Rich ay Starstruck alumna at 1st runner up ng Bb. Pilipinas in 2009.

Bianca for good na rin sa Australia with husband

ANG isa pang actress na tumalikod na rin sa kanyang showbiz career sa Pilipinas ay ang Fil-Brit actress na si Bianca King, who married Iza Calzado’s brother-in-law na si Ralph Wintle in Sydney, Australia nung nakaraang June 4, 2021. Sina Bianca at Ralph ay ikinasal sa living room ng kanilang bahay in Sydney kung saan ngayon naka-base ang mag-asawa.

It was in August 2020 when Bianca shared in her Instagram account that she was moving to Australia for good.

Kyle naging close kay Chie sa PBB House

EARLY evictees ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 sina John Adajar, Albie Casino, Chie Filomeno at Kyle Echarri pero kahit sandali lamang ang kanilang inilagi sa loob ng bahay ni Kuya ay marami umano silang natutunan at nagkaroon umano sila ng instant family at mga kaibigan. Ito ang kanilang-na miss nang sila’y magkakasunod na lumabas sa PBB house.

Sa loob ng PBB house ay naging close sa isa’t isa sina Kyle (18) at Chie (25).

Sa outside world ay magka-love team sina Kyle at Francine Diaz who is turning 18 on January 27 at inaasahan din ng kanilang mga fans ang pamumuo ng kanilang magandang relasyon.

Sina Francine at Kyle ay huling napanood sa primetime inspirational TV series na “Huwag Mangamba” kung saan din tampok ang isa pang loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Ngayong nakalabas na sa PBB house si Kyle, tiyak na bibigyan ito ng panibagong project with Francine.

Boracay trip hindi honeymoon para kina Tom at Carla

ANG newly-wed couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ay sandaling nagbakasyon sa Boracay to take a break from their busy schedules, una sa kanilang wedding at sa taping ng kanilang respective TV series, ang “To Have and To Hold” kay Carla at ang “The World Between Us” kay Tom na parehong tumatakbo ngayon sa GMA. Pero agad klinaro ng Kapuso singer-actress na si Carla na hindi pa umano nila honeynoon ni Tom ang pagtungo nila ng Boracay kundi break lamang. Hindi pa ibinabahagi ng bagong mag-asawa kung saang lugar nila gagawin ang kanilang delayed honeymoon.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE