Derek

Derek gusto nang magkaanak kay Ellen

August 19, 2022 Aster Amoyo 1339 views

IT’S been over three years na walang bagong TV or movie project ang actor, athlete, celebrity endorser at entrepreneur na si Derek Ramsay. At ito’y kanyang choice dahil mas naglalaan siya ng oras ngayon sa kanyang misis (of almost one year) na si Ellen Adarna at anak nitong si Elias – 4 (sa actor na si John Lloyd Cruz).

Derek considers himself semi-retired but when there is a project that will excite him, tatanggapin umano niya.

Ang actor ay huling napanood sa kanyang unang TV series sa GMA in 2019, ang “The Better Woman” na pinagtambalan nila ni Andrea Torres na naging kasintahan niya in less than one year.

Huling pelikula naman ni Derek ang “Mga Mata sa Dilim” na dinirek ni Enzo Williams at tinampukan din nina Jessy Mendiola at Joko Diaz.

It was a whirlwind romance sa pagitan nina Derek at Ellen. Ang dalawa ay nagkalapit sa isa’t isa nung January 2021, naging magkasintahan the following month (February) and got engaged nung March 30, 2021. At nung November 11, 2021 ay ikinasal ang dalawa sa Rancho Bernardo in Bagac, Bataan.

The couple had their belated honeymoon in Africa nung nakaraang February kung saan kasama nila si Elias.

Since18 years old na ang kaisa-isang anak ng actor na si Austin Gabriel (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly), at four years old na si Elias, gusto ni Derek na magkaroon na sila ni Ellen ng sarili nilang anak para magkaroon naman ng baby brother or sister ang kanilang respective sons.

Janelle

Janelle napapatunayan na ang husay

AYON sa 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee , ang kanyang pagpapa-sexy sa pelikula under Viva Films ay bahagi lamang ng kanyang pagiging aktres. Pero ang kanyang ultimate goal ay ma-recognize bilang isang mahusay na actress balang araw.

At unti-unti na itong natutupad dahil puring-puri siya ng kanyang mga director including the award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes na nakatrabaho niya sa pelikulang “Secrets” at si Direk Roman Perez sa pelikulang “Putahe”.

Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Janelle si Direk Paul Basinillo sa pinakabago niyang movie, ang “The Escort Wife” kung saan niya mga kabituin sina Raymond Bagatsing at Ava Mendez.

Ang nasabing pelikula ay matutunghayan saVivamax sa darating na September 16, 2022.

Ang “The Escort Wife” ay second movie directorial job ni Direk Paul. Nauna rito ang “Indak” ni Nadine Lustre nung 2019. But prior to his being a filmmaker ay nakilala si Direk Paul sa mga award-winning TV commercials at bilang concert director ng mga major stars tulad nina Sarah Geronimo, Vice Ganda, Anne Curtis at iba pa.

Ang “The Escort Wife” ay mula sa panulat ng director-cinematographer na si Yam Laranas na naging professor ni Direk Paul sa University of the Philippines.

Ayon kay Direk Paul, hindi pa man naipapalabas ang “The Escort Wife” ay may follow-up project na siya sa Viva. Pero hindi raw ito nangangahulugan na iiwan na niya ang pagiging director ng mga TV commercials at live concerts.

Joshua

Bella

Joshua crush ng LA-based Fil-Am singer na si Bella Porch

AFTER social media star Ivana Alawi admitted na crush niya ang young actor na si Joshua Garcia, inamin din ng 25-year-old LA-based Filipino-American singer and TikTok superstar na si Bella Poarch kay MJ Felipe ng “TV Patrol” na big crush umano niya ang ex-PBB housemate at ex-boyfriend ni Julia Barretto.

Even before the interview ni MJ kay Bella ay may communication na pala sa isa’t isa sina Bella at Joshua. At dapat sana’y magkikita sila last June sa Amerika pero hindi ito natuloy.

Now, there is a big possibility na matuloy na ang pagkikita nina Joshua at Bella ngayong December dahil nakatakdang magbakasyon ang Fil-Am singer sa Pilipinas to spend Christmas here.

Umaasa rin si Bella na makakapag-guest sa “ASAP Natin `To” dahil big fan umano siya ng programa. At mas maganda siguro kung silang dalawa ni Joshua ay sabay na maggi-guest sa show.

Although wala pang pag-amin na nagmumula kay Joshua, he is rumored to be in a relationship with a non-showbiz girl, ang Ateneo basketball player na si Katrina Guytingco.

Si Joshua ay love interest ni Jane de Leon playing Narda and Darna sa bagong simulang “Mars Ravelo’s Darna” na siyang pumalit sa nagtapos nang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Billy

Billy nalungkot sa pagbabalik sa GMA

HINDI makakalimutan ng Fil-Am singer-actor at TV host na si Billy Crawford (40) ang kanyang ama-amahan na si German `Kuya Germs’ Moreno na siyang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz when he was five years old. Naging bahagi si Billy ng now-defunct youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” in 1986, making him the youngest member of the show.

When Billy’s family moved to the US when he was 12, he made it a point to visit Kuya Germs whenever he’s in Manila. Nang mag-desisyon naman si Billy na muling bumalik ng Pilipinas, si Kuya Germs pa rin ang unang tumulong sa kanya para makapasok sa GMA.

Nasaktan at nagtampo noon si Kuya Germs nang mag-desisyon si Billy na lumipat ng ABS-CBN pero ito’y panandaliaan lamang dahil kahit naging Kapamilya na noon si Billy ay hindi ito nakakalimot dumalaw kay Kuya Germs sa kanyang late-night TV program, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” maging sa kanyang radio program sa DZBB.

Pero talagang maliit lamang ang mundo ng showbiz. Dahil two decades matapos umalis si Billy sa GMA to move to ABS-CBN, mapapanood na uli siya sa Kapuso network this month bilang host ng local franchise ng “The Wall Philippines” which is now a joint venture ng Viva Communications and GMA.

Ang unang season ng “The Wall Philippines” ay ipinalabas sa TV5.

Aminado si Billy na may halong lungkot siyang nadama nang muli siyang tumapak sa bakuran ng GMA dahil wala nang Kuya Germs na sasalubong sa kanya.

Pero para kay Billy, mananatiling buhay si Kuya Germs sa kanyang puso dahil sa napakalaking papel na ginampanan nito kung bakit siya napasok sa showbiz.

AUTHOR PROFILE