Dennis

Dennis may bagong GF pagkatapos mahiwalay sa Fil-Aussie live in partner

February 28, 2024 Eugene E. Asis 185 views

INAMIN ng actor-comedian na si Dennis Padilla, 62, na may bago siyang girlfriend.

Tatlong taon na siyang hiwalay sa kanyang Fil-Australian live in partner na si Linda Gorton. May 22 years age gap sila at mahigit sampung taon silang nagsama.

Nasa Sydney, Australia na si Linda kasama ang kanilang dalawang anak na sina Gavin, 11, at Maddie, 6.

Ayon sa actor-comedian, maayos naman ang usapan nila ni Linda. In fact, regular siyang nagpapadala ng suporta (in Australian dollars!) para sa mga anak.

Kung matatandaan, ang naging problema nila ng dating asawang si Marjorie Barretto ay ang kakayahan niyang mag-provide para sa mga anak. Hindi man aminin, nagkataon na hindi na sapat ang kanyang income nang mga panahong ‘yun. Samantalang ngayon, hindi man siya ang humahawak ng titulong Pambansang Sidekick, mukhang hindi naman siya nawawalan ng trabaho.

Tulad ngayon, may mga pelikula siyang ginagawa tulad ng ‘When Magic Hurts’ kung saan siya gumaganap bilang isang gay na magpapalaki sa bidang babae, na ginagampanan ng dating child star na si Mutya Orquia. May tinatapos din silang bagong pelikula ni Robin Padilla, ang ‘Bad Boy 3.’ At kasama siya sa weekly series na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ kasama ni Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa GMA7.

Kaya naman nakaka-afford siyang magpadala ng child support kahit sa Australia pa.

O baka sapat ito sa kanyang kasalukuyang lifestyle hindi katulad noon.

Samantala, hindi naman nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa bagong inspirasyon ang actor-comedian.

AUTHOR PROFILE