Dennis hiwalay na, magong GF

February 28, 2024 Aster Amoyo 172 views

Dennis2JuliaHIWALAY na ang actor-comedian at dating politician na si Dennis Padilla sa kanyang Fil-Australian partner na si Linda Gorton kung kanino siya may dalawang anak na sina Gavin (11) at Maddie (6) na binitbit ng huli sa kanyang hometown sa Sydney, Australia. Pero sa kabila nito ay open umano ang kanilang komunikasyon laluna sa dalawang bata at nagpapadala umano siya ng sustento sa mga ito.

Twenty-three years ang age gap nina Dennis at Linda. Nagkakilala ang dalawa through a common friend habang nagbabakasyon sa Pilipinas si Linda. Nang bumalik sa Australia si Dennis ay sinundan nito ang dalaga. For a while ay nagtrabaho sa Australia ang actor-comedian pero na-realize niya na nasa showbiz umano ang kanyang buhay. He convinced Linda na sila’y umuwi ng Pilipinas at nangyari ito nung February 2009.

Dennis met Linda one year after his separation from his wife na si Marjorie Barretto with whom he has three beautiful kids – Julia, Claudia and Leon.

The actor-comedian has two children sa kanyang unang wife or partner, ang dating actress na si Monina Gatus na sina Diane at Luis. Pito bale ang biological children ni Dennis sa tatlong babae.

Hindi naman ikinakaila ni Dennis na meron siyang bagong partner ngayon na hindi rin taga-showbiz.

Samantala, sa presscon ng upcoming movie na “When Magic Hurts” na pinamahalaan ni Gabby Ramos at siyang launching movie ng dating child star na si Mutya Urquia at fast-rising actor na si Beaver Magtalas na kung saan din tampok si Maxine Trinidad kasama sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Archie Adamos, Whitney Tyson at iba pa, ibinahagi ng actor-comedian na si Dennis na naging emotional umano siya nang matanggap niya ang birthday message galing sa panganay niyang anak kay Marjorie na si Julia Barreto. Halos tatlong taon o mahigit na umanong wala silang komunikasyon ni Julia gayundin ang dalawa pa nitong mga kapatid na sina Claudia at Leon na sobra na umano niyang nami-miss.

“I am just a text or phone call away,” aniya.

“Anytime na ako’y kanilang kailanganin ay narito lang ako para sa kanila. Sana maging constant ang aming komunikasyon at magkita kami nang mas madalas dahil sobra ko silang nami-miss,” pag-amin pa ni Dennis.

Napakalaking bagay sa actor-comedian ang ginawang pagbati sa kanya ng anak on his 62nd birthday last February 9 at hindi umano niya ikinakaila na siya’y naluha dahil ganun na niya ka-miss ang anak maging sina Claudia at Leon.

“Sana dumating ang panahon na open ang aming komunikasyon at madalas ko silang makita,” asam pa niya.

Bukod sa upcoming movie na “When Magic Hurts,” si Dennis ay napapanood din sa weekly sitcom ng GMA, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Mutya dalaga na, tinanggap ang ‘promposal’ ni Beaver

Mutya1MutyaMutya2FORMER childstar Mutya Orquia is now a lady. At 17 (turning 18 on May 3), tinanggap ni Mutya ang `promposal’ ng kanyang “When Magic Hurts” co-star na si Beaver Magtalas na ginanap mismo pagkatapos ng presscon proper ng kanilang movie na ginanap sa isa sa mga ballrooms ng Luxent Hotel in Quezon City kamakailan lamang na tinanggap naman ng teen actress. Ito’y para sa kanilang junior and seniors prom maging sa yearly ABS-CBN Ball sa buwan ng September.

Although unang tambalan pa lamang sa pelikula nina Mutya at Beaver ang “When Magic Hurts,” open ang dalawa na ito’y mauwi sa kanilang pagiging magka-loveteam at natutuwa ang dalawa na meron na umano silang foundation bilang magkaibigan.

Mutya was only four years old nang siya’y magsimula sa showbiz nang siya’y mapabalang sa TV series na “Sabel”. Naging bahagi rin niya ng now-defunct hit kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na pinagmulan ng maraming stars ngayon at kasama na riyan sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Alexa Ilacad, Miles Ocampo, Kiray Celis at marami pang iba. Nagbida rin siya sa sarili niyang serye, ang “Mutya: where she played a mermaid. Nakasama rin siya sa hit daytime series na “Be Careful with My Heart” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

She also had her birthday concert at the Skydome in SM North EDSA.

Ngayong nasa pangangalaga siya ng Star Magic ng ABS-CBN, umaasa siya na magtutuluy-tuloy na ang kanyang career bilang teenage actress. Pangarap din niyang makapag-portray ng mga challenging roles balang araw tulad nina Angel Locsin at Maja Salvador that would need action scenes.

Yael nag-propose kay Karylle sa ‘Showtime’ para sa second wedding

YaelYael1COME March 21, 2024 ay ise-celebrate ng celebrity couple na sina Karylle (Tatlonghari) at Yael Yuzon ang kanilang ika-10th anniversary bilang mag-asawa pero bago pa man dumating ang kanilang wedding anniversary ay muling nag-propose ang mister ng singer, actress at host na si Yael sa kanyang misis na ginanap mismo sa “It’s Showtime” sa harap ng mga kasamahan ni Karylle sa programa, sa live audience maging sa lahat ng mga nanonood sa programa sa kanilang mga tahanan.

Na-sorpresa man at nalito si Karylle ay napa-oo ito sa kanyang mister.

Plano ng Sponge Cola vocalist and guitarist na muling pakasalan ang kanyang wife of ten years. The couple got married on March 21, 2014 sa San Antonio de Padua in Silang, Cavite.

Si Karylle ang kaisa-isng anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Ang second proposal ni Yael kay Karylle ay magsisilbi ring advance birthday gift niya sa kanyang misis who is turning 43 on March 22. Kulang na lamang sa mag-asawa ang isang anak to complete them as a family.

Sofia suportado ang mga kaibigang Kathryn at Sarah

SofiaSofia1KASAMA sa mga close friends ng actress na si Sofia Andres ang young superstar na si Kathryn Bernardo at ex-wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati na parehong may pinagdadaanan sa kanilang private lives ngayon. At bilang mga kaibigan, nariyan si Sofia to support her friends in any way she can.

Halos magkasunod lamang na nahiwalay sa kanilang respective partners sina Kathryn at Sarah, si Kathryn sa kanyang naging nobyo sa loob ng 11 taon na si Daniel Padilla at si Sarah Lahbati sa kanyang ex-husband na si Richard Gutierrez kung kanino siya may dalawang anak na parehong lalake, sina Zion at Kai.

Sofia is currently in a relationship with a popular race car driver, social media influencer and young businessman (from an affluent family in Cebu) na si Daniel Miranda with whom she has three-year-old lovely daughter na si Zoe Miranda.

Ang mag-partner na Daniel at Sofia ay parehong close na kaibigan sa dating magkasintahang Kathryn at Daniel.

Although may ilang taon na rin ang relasyon sina Daniel at Sofia at meron na rin silang isang anak ay hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa.

Parehong 25 years old sina Sofia at Daniel.

Bunny nag-enjoy sa bakasyon sa Pilipinas

BunnyBunny1SOBRANG nagi-enjoy sa kanyang bakasyon sa Pilipinas si Bunny Paras, dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star-builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA. Her first vacation in ten years magmula nang siya’y mag-move sa Los Angeles, California with her eldest child (sa radio DJ na si Mo Twister – Mohan Gumatay) na si Moira.

Bunny is now happily married sa kanyang American husband na si Tom Greenway at meron na rin silang tatlong anak na sina Connon (13), Ariana (10) at Cody (6). They have been married for 14 years and 17 years together. Her husband adopted her daughter Moira (25) kaya Greenway na rin ang gamit nitong apelyido sa halip na Gumatay.

Eversince ng kanilang pagsasama ni Tom ay trinato ng husband ni Bunny ang kanyang panganay na si Moira as his own daughter sa kabila ng kapansanan nito.

“Napaka-suwerte ko sa asawa ko,” pahayag ni Bunny who is flying back to L.A. on March 6.

“Super bitin ang vacation ko sa Pilipinas and I’m enjoying every bit of my stay,” aniya.

Kailangang bumalik agad ng Amerika si Bunny dahil panonoorin umano niya ang return concert ni Madonna sa Amerika at magiging abala rin umano siya sa nalalapit na wedding ng kanyang anak na si Moira at fiancé nitong si Nick Ashbury sa darating na May 19, 2024 in Florida, USA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE