Default Thumbnail

Demolisyon kay Commissioner Yogi

February 8, 2023 Allan L. Encarnacion 753 views

Allan EncarnacionMAY concerted effort ang mga desperado para gibain si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Maraming tangkang smuggling sa iba’t ibang panig ng bansa ay nasasakote, nasasabat at nahaharang ng BOC. Ang sabi ng mga kritiko, pagpapatunay daw ito na talamak ang smuggling na nangyayari.

Ganoon sila tumingin, saliwa! Hindi ba’t ang dapat ay sa positibo natin tingnan ang ganitong anggulo? Hindi ba puwedeng sabihin na kaya nasasakote ang mga tangkang smuggling ay dahil sa agresibong pagkilos ng Customs at ni Commissioner Yogi?

Kung nakalusot ang mga smuggled goods, babatikos kayo pero kung nasakote, batikos pa rin? Ibig sabihin lang nito, wala talaga tayong magawang mabuti sa buhay natin at para sa ating bayan.

Sala sa init, sala sa lamig sabi ng ng mga matatanda sa una.

Sa totoo lang, malaki ang problema ng mga taong nagpopropaganda laban kay Commissioner Yogi dahil on record naman, sa nakaraang 2022, hindi lang nakolekta ng BOC ang target nila bagkus ay lumagpas pa ng 34%. Halos P900 bilyon ang nakulekta ng BOC para sa 2022 na isang indikasyong malakas at malaki ang pondong naipasok ng Custom sa National Treasury. At ngayong January 2023, umabot sa P65.801 billion na ang nakulekta ng BOC na mas mataas ng 11% sa kanilang target.

Ang tanong, ano ba ang silbi ng malaking koleksiyon ng BOC? Para sa mga hindi nakakaalam, ang halos isang trilyong pisong naipasok ng Customs sa pambansang kaban noong 2022 ang mismong pondong gagamitin ng national government ngayong 2023 para sa pagpapagawa ng mga tulay, eskuwelahan hanggang sa mga liblib na lugar, pondo para sa peace and order campaign ng PNP, pambili ng armas at uniporme ng ating mga sundalo sa AFP, pangtustos sa mga gamot na kailangan ng DOH sa mga health centers at mga mga public hospitals, pambili ng mga libro ng ating mga estudyante sa public schools, pangsuweldo sa mga kawani ng pamahalaan hanggang sa pagbabayad sa mga ilaw sa ating mga lansangan. Sa madaling salita, lahat ng serbisyong ginagawa ng gobyerno sa kanyang mga mamamayan na kailangan ng pera ay may kotribusyon ang BOC.

Iyong kayang mga pulitikong batikos nang batilkos, magkano naman kaya ang kanyang buwis na naiambag para sa bayan?

Kung mayroon mang dalawang ahensiyang nagpapasok ng pondo para dumaloy ang gobyerno, iyon ay ang BIR at ang BOC.

Historically, palaging shortfall o kapos ang koleksiyon ng BOC sa mga nakaraang dekada kaya isang malaking welcome development para sa atin ang makitang over and above ang koleksiyon ng Customs sa ilalim ni Commossiomer Yogi.

Kaya nga iyong mga gumagawa ng demolisyon laban kay Commissioner Yogi ay hindi nagtatagumpay dahil sa mismong accomplishments sa lahat ng aspeto ng kanilang trabaho.

Ang palagi nilang alegasyon ay maraming smuggling sa halip na tingnan bilang monumental achievements para sa BOC ang pagkakapigil sa mga ito.

And by the way, para doon sa mga nagsasabing talamak ang korapsiyon ngayon sa Customs, baka lang hindi nyo pa alam, lahat ng sistema ng bayarin ngayon sa BOC ay puro online banking na at digitalized kaya walang dumadaan kahit singko sa kamay ng mga kawani ng aduana. Ang perang mula sa kamay ng mga importer at exporter ay deretso sa national treasury dahil nga online payment na ang nangyayari ngayon.

Alam din ng Pangulong BBM ang high impact pora sa bayan ng mga ginagawang pagbabago ni Commissioner Yogi para mas mapalakas pa ang Customs at maging totoong kabalikat ng bayan sa kaunlaran.

[email protected]