‘Deleter’ panalo sa awards at box-office
PANALO sa takilya at panalo sa awards ang psycho suspense-thriller movie na “Deleter” na pinamahalaan ni Mikhail Red under Viva Films na nakapag-uwi ng pitong parangal – Best Picture, Best Director (Mikhail Red), Best Actress (Nadine Lustre), Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects at Best Sound.
Ito’y sinundan ng “Nanahimik ang Gabi” mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico under Rein Entertainment with 3rd Best Picture, Best Actor (Ian Veneracion), Best Supporting Actor (Mon Confiado), Best Production Design and Best Musical Score.
Pumangatlo naman ang true-to-life movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told” na dinirek ni Lester Dimaranan under Borracho Films with four awards – 2nd Best Picture, Best Original Theme Song – “Aking Mahal” composed and sung by Atty. Ferdinand Topacio, Best Screenplay (Eric Ramos) and Fernando Poe, Jr. Memorial Award for Excellence.
Ang pelikulang “My Father, Myself” ay nakapag-uwi ng dalawang parangal – Best Float at Best Child Performer (Shawn Nino Gabriel) habang tig-isang award ang nakuha ng “My Teacher” nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na dinirek ni Paul Soriano under Ten17P and TinCan Productions as Gender Sensitivity Award at nakuha naman ang Gatpuno J. Villegas Memorial Award ng family drama movie na “Family Matters”.
Ang kauna-unahang Marichu Vera-Perez-Maceda Memorial Award ay iginawad sa Star for All Seasons at award-winning actress na si Vilma Santos- Recto.
With the results of the awards, maaaring makatulong ang mga ito para panooring lalo ang mga pelikulang kalahok sa tumakbong 48th Metro Manila Film Festival na nagsimula sa araw ng Pasko, December 25 at magtatapos sa Enero 7, 2023.
Goal ng kasalukuyang pamunuan ng Metro Manila Film Festival na makalikom ng P500M sa entire run ng taunang filmfest which is just half compared sa mga nakaraang taon before the pandemic struck na umabot ng P1-B.
Nangunguna pa rin sa takilya ang comedy film na “Partners in Crime” na pinagtatambalan nina Vice Ganda at Ivana Alawi na joint production ng Star Cinema and Viva Films at pumapangalawa naman ang “Deleter” ng Viva Films na dinirek ni Mikhail Red at pinagbibidahan ni Nadine Lustre kasama sina McCoy de Leon, Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo.
Since hanggang January 7, 2023 pa ang ongoing filmfest, may pagkakataon pa ang lahat na mapanood ang walong kalahok na pelikula.
Vice Ganda masipag na nag-promote ng pelikula
MASAYANG-masaya si Vice Ganda dahil muli na namang nanguna ang kanyang pelikulang “Partners in Crime” sa takilya na pinagtambalan nila ng sexy star at top vlogger na si Ivana Alawi na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina under Star Cinema and Viva Films.
Napakasipag mag-ikot ni Vice sa iba’t ibang sinehan including sa Pampanga at Tarlac na siyang hometown ng kanyang partner na si Ion Perez.
Nagpapasalamat siya sa mga taong dumagsa sa iba’t ibang sinehan sa loob ng mga malls nationwide.
Ang pelikula nina Vice at Ivana ang patuloy na nangunguna sa takilya at nagbabalik si Cathy Garcia-Molina bilang box office director matapos ang kanyang recod-breaking movie in 2019, ang “Hello, Love, Goodbye” na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Alden Richarts under Star Cinema and APT Entertainment na kumita ng halos isang bilyong piso in its entire run (including overseas screenings).
Toni Rose na-hack ang social media account
WORRIED ang veteran host na si Toni Rose Gayda dahil na-hack ang kanyang Facebook account at ginagamit ito ng hacker para gumawa nang hindi maganda.
May fake news ding kumakalat na namayapa na umano ang kanyang 94- year-old mother, ang original `femme fatale of Philippine Cinema’ at naging ina ng Philippine National Red Cross na si Rosa Rosal.
Nakikiusap si Toni Rose sa mga taong walang magawang mabuti na huwag gawing biro ang `pagkamatay’ ng isang tao.
Huwag din daw patulan ang `fake’ na Toni Rose Gayda sa Facebook na ginagamit para makapanghingi ng pera sa mga taong kakilala niya dahil hindi umano niya ito gagawin.
Si Toni Rose ang nag-aalaga sa kanyang ina habang ang isa niyang anak na si John ay nasa pangangalaga ng kanyang dating mister, ang businessman na si Moonie Lim. Ang kanilang eldest son na si Edward James ay sumakabilang-buhay nung March 2010 due to a freak accident nang ito’y mahulog mula sa veranda ng 4th floor ng isang condominium in Wack-Wack, Mandaluyong City kung saan sila nakatira. Pinangatawanan ng dating mag-asawang Toni Rose at Moonie that it was not suicide.
Naisugod pa si James sa Cardinal Santos Hospital in San Juan kung saan siya binawian ng buhay after an hour.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and Twitter@aster_amoyo.