Kulong

Data specialist tiklo sa estafa

November 12, 2023 Jonjon Reyes 225 views

TIMBOG ang isang 26-anyos na ginang nang madiskubreng may nakabinbing arrest warrant ng District Investigation-2 ng Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) ng Manila Police District dahil sa estafa habang nasa Manila City Hall sa Ermita, Manila noong Sabado.

Data entry specialist ang suspek na nahaharap sa kasong estafa, ayon sa mga pulis.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr. kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DID-2 SMaRT Manila City Hall, bandang ala-1:40 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa ginang sa Manila City Hall.

Sa imbestigasyon ni Police Corporal Elizardo Reputas Jr., may hawak ng kaso, nadiskubreng may nakabinbing kaso ang akusado habang nasa selda dahil sa kaparehong kaso ng estafa.

AUTHOR PROFILE