Daniel Larawan mula sa IG/imryanko

Daniel napagkamalang tibo

January 7, 2024 People's Tonight 222 views

NAPAGKAMALANG lesbian ng netizens ang aktor na si Daniel Padilla dahil sa bago nitong hairstyle.

Sa social media platform na X (dating Twitter) inulan ng samu’t saring komento ang mga kumalat na larawan ni Daniel na ibinahagi ng Kapamilya Online World.

Makikita sa mga larawan ang fresh look ng aktor para sa pagdalo niya sa kasal ng TV host na si Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Ang comment ng ilan, para raw tibo si Daniel sa kanyang hairdo.

“Kala ko tibo hahaha sorry naaa.”

“Baket parang that’s my tomboy dating?”

“Kala ko thats my tomboy ng showtime.”

“Kala ko sinong tomboy.”

“Parang tomboy ang awrahan.”

Bukod sa pinagkamalang lesbian, kamukha rin daw ni Daniel ang mga aktor na sina James Reid at Ronnie Alonte dahil sa gupit ng buhok nito.

AUTHOR PROFILE