Default Thumbnail

Dalagita nakalagok ng dishwashing liquid, dedo

June 2, 2022 Jonjon Reyes 218 views

ISANG 19-anyos na dalagita ang hinihinalang nagpakamatay makaraang madiskubreng uminom ng umano ng diswashing liquid sa loob ng kanilang banyo sa Quiapo, Maynila iniulat ng pulisya.

Dead on arrival sa Metropolitan Hospital ang biktima dakong 6:04 ng gabi matapos subukang isalba. Ang biktima ay nanunuluyan sa Standard Reality Building, Gunao St., Quiapo.

Base sa natalang ulat ni Det. Irene Jay Manalili, na isinumiti kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang 4:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng banyo o comfort room (CR) sa tinutuluyang gusali ng biktima.

Ayon sa ama ng dalagita, narinig na lamang niya ang anak na “nagsisisigaw” sa loob ng banyo.

Matapos na walang humpay na kinatok ang pinto ng CR ngunit walang tinugon ang dalagita, hanggang sa mabuksan ang pintuan ay nakitang nakahandusay ang biktima at sa tabi nito ang isang bote ng diswashing liquid.

Gayunman, isang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa dalagita para magpakamatay.

AUTHOR PROFILE