Laurel

DA magi-implement ng new programs para youth maengganyo sa farming

April 11, 2024 Cory Martinez 102 views

MAGPAPATUPAD ang Department of Agriculture (DA) ng mga programa para sa mga kabataan, ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Sa send-off ceremony para sa 23 iskolar na kasama sa “Young Filipino Farm Leaders Training in Japan,” sinabi ni Secretary Laurel na magbibigay ng tulong ang DA para mas marami pang kabataang Pilipino ang sumali sa mga international exchange programs.

“Binibigyang halaga ng Agricultural Training Institute’s (ATI) Young Filipino Farm Leaders Training Program in Japan ang patuloy na pangako ng ahensya na isulong ang kaalaman ng mga kabataang magsasaka at ipakita ang kanilang abilidad at kakayahan sa international arena,” ani Laurel.

Isa sa mga kinakaharap na problema ngayon ng agrikultura sa Pilipinas ang pagtanda na ng mga magsasaka at ang pagiging atubili ng mga kabataang Pilipino na magsaka o mangisda.

Ayon pa kay Laurel, malinaw ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing moderno ang agrikultura at hikayatin ang mga kabataang Pilipino na pumasok sa naturang sektor.

“Sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan ng mga kabataang Pilipino lalo na sa exposure nila sa international exchange interns, matutupad natin ang layunin ng Masaganang Bagong Pilipinas na maging globally competitive, digitally adept at climate-resilient agricultural workforce,” dagdag pa ni Laurel.

Kabilang sa mga nakahanay na proyekto ng ahensya na maaaring maengganyo ang mga kabataang Pilipino sa pagsasaka at pangisngisda ang pagpili para sa Youth Internship Program on Organic Agriculture, na pangungunahan DA-National Organic Agriculture Program, sa pakikipagtulungan sa Agricultural Training Institute at ang Binhi ng Pag-asa Program Launch para sa 2024na pinangunahan ng ATI at sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Sen. Grace Poe.

Iba pang proyekto ang patuloy na pagpapatupad ng loan program ng DA-Agricultural Credit Policy Council para sa mga kabataang agri-preneurs sa pamamagitan ng Kapital Access for Young Agripreneurs Program.

Nagbukas din ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resource’s ng aplikasyon para sa Fisheries Scholarship Program para sa Academic Year 2025-2029.

“Sa mga susunod pa na buwan, aayusin din ng ahensya ang kanilang programa sa upskilling at resource provision para mga kabataan sa lahat ng commodities at subsector sa pagsasaka at pangingisda,” paliwanag pa ni Laurel.

Samantala, pinasalamatan ni Laurel ang Japan Agricultural Exchange Council para sa kanilang pagsisikap na maisakatuparan ang naturang programa na sinimulan pa noong 1986.

AUTHOR PROFILE