Default Thumbnail

Crocodile king

July 9, 2021 Allan L. Encarnacion 813 views

Allan EncarnacionSINO itong isang dating opisyal sa Central Luzon na nakasapo ng lahat ng kasuwapangan at masamang ugali nang ipakalat sa mundo ni Lucifer?

Si pulitiko ay nakaposisyon pa ngayon sa isang lalawigan pero hindi na iyong dati niyang puwesto. Mula ito sa pamilya ng mga pulitikong ipinaglihi sa pera.

Ayon sa ating source, si pulitiko ay nagpatulong sa isang kaibigan mula sa Metro Manila para huwag nang magkaroon ng kalaban ang kanyang kabiyak na kakandidato noon sa kongreso.

Sikat din kasi ang makakalaban ni kabiyak kaya delikado ring matalo. Pinakiusapan din ni pulitiko ang kaibigan na kausapin ang iba pang kandidato sa lalawigan na huwag birahin ang kanyang asawa kasi nga lahi sila ng mga crocodile na kapag natungtong ang paa sa tubig, lalamunin ang lahat ng madaanan, mula sa water lily hanggang basura! Hari talaga ng buwaya.

Sa madaling salita, pinagharap-harap ng NCR friend ang mga magkakalaban kaya nagkasundo na ang lahat. Iyon na nga, nagwagi si kabiyak sa kongreso at nanalo rin naman si pulitiko sa pinakamataas na puwesto.

May isang request lang si BFF from Manila, ipagawa ang tatlong footbridge sa isang kontraktor na kaibigan naman niya na gusto ring tulungan. Maginoo namang sumagot si pulitiko dahil nga nakaposisyon na silang mag-asawa at nangyari na ang kanyang gusto.

Ito na ang sistema, iyong P45 million footbridge project, inagaw pa ni pulitiko sa tumulong sa kanya. Suwapang di ba?

Nagulat si Manila friend, inagaw na sa kanya ng mag-asawa ang proyekto, hindi na rin siya nito pinapansin. Lahat ng tawag at text ni BFF ay hindi na sinasagot ni pulitiko na nakaupo na sa trono.

Natapos na ang termino ng mag-asawa kaya iyong anak naman nila ang nakapuwesto sa posisyong iniwanan ng magulang. Sa ngayon, mukhang matino pa ang anak nilang bagitong pulitiko at harinawa’y huwag makamana ng masamang dugo sa kanyang mga magulang.

Si pulitiko ay kilala ring balimbing kasi kung sino ang nakaposisyon sa palasyo, sinisipsipan nito.

Taga-saan sa Central Luzon ang pamilya buwaya? Malapit lang sa Metro Manila, isang sakay lang!

Clue, kakandidato ulit ito sa dati niyang puwesto pero malamang ay matalo ng nakaupong sikat din.

[email protected]