Lolit Larawan mula sa IG/@akosilolitsolis

Cristy Fermin pumalag kay Lolit Solis: ‘Sa bibig nahuhuli ang isda’

November 28, 2023 People's Tonight 200 views

PINALAGAN ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang bintang ng kapwa niya kolumnista na si Lolit Solis na may galit umano siya rito.

Sa online show na “Cristy FerMinute,” napag-usapan ang pagbabati nina Lolit at aktres na si Bea Alonzo.

Sey ni Cristy, kabaligtaran ang ibinibintang sa kanya ni Lolit dahil ito raw pala ang may personal na galit sa manager ni Bea at hindi sa aktres mismo.

Gaya raw ng pambibintang kay Cristy, na may galit raw ito kay Lolit kaya pinupuntirya ang mga alaga nitong sina Lorna Tolentino at Paolo Contis.

“Sa bibig po talaga nahuhuli ang isda hindi po sa buntot kailanman. Yun ay ipinataw na bintang sa akin ni Manay Lolit pero ano ngayon ang lumabas siya pala ang may galit sa manager ni Bea kaya binira-bira niya si Bea,” wika ni Cristy.

“Sino ngayon, o di siya naglantad na siya pala yun. kaya thinkers are doers. Yun yun,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng saloobin si Lolit patungkol sa ginagawang pag-atake ni Cristy sa kanyang mga alaga.

“Alam mo ba Salve na gusto ko tanungin si Cristy Fermin kung galit siya sa akin. Kasi nga parang mga alaga ko ang gusto niyang laging ginagawang punching bag. Nuon una, si Paolo Contis.

Ngayon naman si Lorna Tolentino,” saad niya sa isang Instagram post.

Kuwento rin ni Lolit na wala siyang galit kay Cristy pero kung galit daw ito sa kanya ay sabihin nito ng diretsahan sa kanya at huwag ipukol sa kanyang mga alaga.

“Kung sa akin ka galit, sabihin mo, huwag idamay ang iba. Kawawa naman sila kung kasalanan ko tapos sila ang napaparusahan. Unfair naman di bah!” aniya pa.

AUTHOR PROFILE