Guinto Nasa larawan sina Atty. Clarence F. Guinto, Director ng LTO-Law Enforcement Service, Atty. Ralph Michael Cataquiz, Deputy Prosecutor’s Quezon City, at Gen. Nick Torre, District Director QCPD

Crash training on prosecuting drunk, drugged drivers isinagawa

October 1, 2022 Jun I. Legaspi 191 views

Jun LegaspiHIGIT sa lahat ang “BUHAY” kaya double time ang isinasagawang kampanya ng Inter-Government Agency laban sa mga motorists na nagmamaneho ng lango sa alak, illegal substances at illegal drugs.

Bilang paghahanda at siguraduhin na handa at alam ng ating mga kapulisan at mga traffic enforcers ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10586 o Anti-Drunk Drugged Driving Law 2013 nagsagawa ng Crash Training on Prosecuting Drunk/Drugged Drivers ang PNP-Quezon City Police District kasama ang Land Transportation Office, Quezon City Prosecutor’s Office at Department of Justice, Quezon City.

Sa kwento ni Atty. Clarence V. Guinto, Director ng LTO-Land Transportation Office sa Transport@pasahero ang crash training ay naging posible dahil na rin sa inisyatibo ni QCPD Director Director Nick Torre at sa tulong ni Atty. Ralph Michael Cataquiz, Deputy Prosecutor ng QC at Atty. Vivein B. Manahan ng DoJ-QC.

Positibo ang resulta sa mga advance na impormasyon na ibinahagi ng mga lecturers (Atty. Guinto, Atty. Cataquiz at Atty. Manahan) sa mga participants kaugnay sa mga legal matters ukol sa pagpapatupad at paghuli sa mga drivers na lango sa alak, illegal substances at illegal drugs.

Sa naturang Crash Training, ipinakita kung paano ang tamang protocol ng paghuli, inquiry, investigation, actual demonstration sa isang individual habang ito ay isinasailalim sa breath analyzer, sobriety text at iba pang dapat gawin sa actual test, ng walang nilalabag na karapatan pangtao.

Pinaalala din ng mga lecturers sa mga participants ang dapat at tamang proseso bago ito iharap sa Prosecutor’s Office para sa pagharap ng demanda.

Ipinaliwanag ding mabuti ng mga legal expert lecturers ang tamang aspeto kapag ang kaso ay naisampa na at dinidinig na ng korte.

Ayon sa mga expert sa transportasyon at commuter groups, tamang tama ang mga programang ito na ginagawa ng IGA kaugnay sa paglaban sa mga pasaway na drivers na nagmamaneho ng lango sa alak, illegal substance at illegal na droga.

Ipinunto ng grupong Public Commuters and Motorist Alliance (PCMA). kitang kita naman sa halos araw-araw lalo na sa gabi, na ang mga madudugong aksidente ay kinakasangkutan ng mga drivers na lango sa alak o droga.

Ang masakit, may mga inosenteng sibilyan ang nadadamay at namamatay pa nga dahil sa mga aksidenteng sa kalsada.

Ayon sa IGA na pinamumunuhan ng LTO gagawin nila ang mga crash training sa bawat region sa buong bansa upang ipaalam sa publiko kung ano ang masamang resulta ng pagmamaneho ng lango sa droga at upang maibahagi din ang mga tamang pamamaraan at impormasyon sa mga traffic enforcers kaugnay ng RA Act. 10586 o ADDDL.

Lahat ay ginagawa ng agency bukod pa sa patuloy na pakikipagtulungan sa lahat ng local government units kaugnay sa program sa Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na nang mga estudyante na pumapasok, sa eskwelahan at sumamakay ng mga public transportation.

Pinasasalamatan ng mga commuter at transport group ang IGA sa programa ng mga ito upang maingatan ang buhay ng bawat inosenteng individual sa mga pasaway na drivers na nagmamaneho ng lango sa alak, illegal substance o illegal drugs. MABUHAY ANG LTO! MABUHAY ANG QC PROSECUTOR’S OFFICE! MABUHAY ANG DOJ-QC!. (jilegaspi@yahoo.com)

AUTHOR PROFILE