CAAP

Crash site ng nawawalang eroplano tiyak na

August 3, 2023 Jun I. Legaspi 259 views

PATULOY ang search and retrieval operations para sa nawawalang Cessna 152 training aircraft RPC-8598 ng Echo Air International Aviation Academy Inc., ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kumpirmadong na ang crash site ng eroplano.

Lumipad papuntang Tuguegarao airport ang mga miyembro ng search team upang marating ang sinasabing crash site, kasama ang mga kinatawan ng Echo Air.

Pinangunahan ng Philippine National Police ang ground search personnel kasama ang 2 platoons ang Philippines Army at tauhan ng PDRRMO.

Sa record ng Civil Aviation Authority of the Philippines Aviation Records Management Division (CAAP-ARMD), dalawang eroplano ang pagmamay-ari ng Echo Air International Aviation Academy, Inc.

May Airworthiness Certification at nagtataglay ng transponder at emergency locator transmitter (ELT) ang nawawalang eroplano.

Sinuspinde na ng CAAP ang operasyon ng EAIAAI habang nagsasagawa ng search and retrieval operations.

AUTHOR PROFILE