NDRRMC

196 na lugar nasa state of calamity dahil kay Egay

August 3, 2023 Zaida I. Delos Reyes 166 views

UMAABOT na sa 196 lugar sa Metro Manila ang inilagay sa state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Egay at habagat.

Base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 62 na lungsod at munisipalidad na nasa state of calamity ang matatagpuan sa Ilocos, 44 sa Cordillera Administrative Region, 36 sa Central Luzon, 29 sa Cagayan Valley, 23 sa Calabarzon at 2 sa Mimaropa.

Umakyat naman sa 140 ang nasugatan, nanatili sa 27 ang nasawi at 13 ang nawawala.

Umabot na rin sa 2.9 milyon katao sa 4,748 barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang apektado ng pananalasa ni Egay at habagat.

Sa nasabing bilang, 57,532 katao ang nanatili sa 656 evacuation centers habang 230,507 indibidwal o 57,153 pamilya ang nasa labas.

Lumobo na rin sa P3,550,643,255 ang halaga ng pinsala sa infrastructure at P1,911,534,492 sa agrikultura.

Sa ngayon, nasa P239.2 milyon na ang tulong na naibibigay ng gobyerno sa mga apektadong pamilya.